top of page

Horoscope | Abril 17, 2026 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 17, 2026



Horoscope


 

Sa may kaarawan ngayong Abril 17, 2026 (Biyernes): Hindi ka mabibigo sa iyong pangarap, lalo na kung tututukan mo ito. Kaya huwag mo nang pansinin ang mga intriga at mga kontrabida sa buhay mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bumibigat ang buhay kapag daragdagan ang pasanin. Kaya huwag ka nang makihalo sa problema ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-18-20-24-38-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, at ang mga negatibong pananaw ay balewalain mo muna. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-15-22-31-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Kapag hindi mo na kaya, humingi ka na ng tulong. Hindi maganda kung pilit mong kakayanin ang hindi mo naman talaga kaya. Tandaan mo, hindi masamang humingi ng tulong. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-13-21-28-30-37.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang mga taong akala mo’y kontrabida, sila palang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-12-18-20-38-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan mo ang mga taong kinaaawaan mo, at huwag mo nang patagalin pa ang gagawin mong pagtulong. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-11-17-27-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sukatin mo muna ang taong gustong dumikit sa iyo, at layuan mo sila kapag nakita mong magiging pabigat lamang sila sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-24-26-32-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka puwedeng mabuhay sa kalungkutan. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-21-25-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa pagtulong sa iyong kapwa. Inaasahan ng langit ang ganitong pagkilos mula sa iyo, dahil may nakalaang malaking suwerte para sa ipapakita mong kabutihang-loob. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-22-28-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mo nang bilangin ang mga minuto ng orasan. Minsan sa buhay ng tao, ang naghihintay ay natatalo ng mga taong mabibilis kumilos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-23-33-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag hindi ka kumilos, mahahadlangan lang ang malaking tagumpay na nakalaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-15-26-30-34-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tinatangay ng hangin ang mga alikabok. Sa ngayon, ang mga walang kuwentang nilalang na nasa iyong kapalaran ay mawawala na sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-14-23-35-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong panghinayangan ang mga taong aalis. Alam ng langit kung ano ang makakabuti sa buhay mo. Kaya tanggapin mo nang maluwag sa loob mo ang mga kaganapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-20-27-34-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page