top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 17, 2024 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-17 Araw ng Abril 2024


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 17, 2024 (Miyerkules): Huwag mong sayangin ang mga biyayang ipinagkakaloob sa iyo ng langit, ganundin, ingatan at sinupin mo ang mga bunga ng iyong pagsisikap. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Metal ang iyong pampasuwerte. Anumang bagay na gawa sa metal ang magsisilbi mong panghila ng mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-9-21-24-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gamitin mo sa pagkain ang pinggan na gawa sa pinatigas na lupa. Huwag mong gamitin ang mga plastic, dahil ang mga bagay na yari sa luwad ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-22-28-34-42. 

 

GEMINI (May 21-June 20) - Damit na may palawit ang iyong pinakamalakas na pampabuwenas. Puwede rin naman ang mga personal mong gamit na mayroong palawit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-9-11-23-40-45.


CANCER (June 21-July 22) - Banal na bagay ang iyong pampasuwerte, dalhin mo ito saan ka man mapunta. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-22-28-37-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bagay na may ginto ang panghatak mo ng suwerte. Isuot o ilagay mo ito sa iyong pitaka. Gawin mo ito, at magugulat ka dahil ang magagandang kapalaran sa pananalapi ay mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-7-11-20-29-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magbasa ka ng mga lumang aklat. Sa ganitong paraan, manunumbalik ang mapalad mong pahina sa iyong kasaysayan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-10-25-34-40-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kunin mo sa taguan at gamitin mo ang damit na paborito mong panlakad. Ito ang daan para mapaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-9-12-18-31-37.  


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Linisin at alisin mo ang mga alikabok sa inyong dingding. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-22-28-38-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ilabas at i-display mo ang nakamit mong karangalan, papuri at pagkilala sa iyong mga katangian at kagalingan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-24-36-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumang gamit pero gumagana pa. Ito ang gamitin mo, dahil ito ang magsisilbi mong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-purple.

Tips sa lotto-6-16-26-35-40-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Barya ang pampasuwerte mo. Ito ang gigising sa mga suwerte na nasa katawan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-8-17-20-26-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaiba ang paraan para suwertehin ka. Maglakad-lakad ka, gawin mo ito kapag nasa loob ka ng bahay. Sa ganitong paraan, manunumbalik ang mga araw kung kailan ka sinuwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-7-11-25-34-40.

  


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page