Horoscope | Abril 17, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 17, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 17, 2023 (Lunes): Ito ang araw na una sa listahan sa langit ang pangalan mo sa mga susuwertehin. Anuman ang iyong gawin at hilingin, tiyak na ito ay ipagkakaloob sa iyo. Ang payo ay humiling ka na.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida. Ang gusto lang naman nila ay mawala ka sa konsentrasyon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-24-26-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makakadama ka na mabibigat ang pangyayari na hindi makausad. Ipanatag mo ang iyong sarili, kung hindi mo magawa, langit ang gagawa ng paraan para sa iyo at gagaan ang lahat. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-30-31-36-3842.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon pa lang, magsuot ka na mga bago. Kung puwede, araw-araw ay bago dahil ang mga bago ay ang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-25-27-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Simple ang sikreto ng kapalaran mo. Kapag masaya ka, ang lahat ng magpapasaya sa iyo ay dadapo sa buhay mo. Iwasan mong matalo ng lungkot dahil lungkot at kamalasan ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-21-23-24-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy na papalaki ang mga obligasyon mo, pero hindi lingid sa langit ang pangangailangan mo, kaya hindi ka pababayaan. Ang lahat ay iyo ring matutugunan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-20-25-27-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Labanan mo ang iyong isip sa kung anu-anong mungkahi na baguhin ang kasalukuyan mong ginagawa para mapasaya ang kapwa mo. Ito ang mensahe ng kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-9-13-14-21-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magkahalong saya at lungkot ang madarama mo. Sa huli, saya ang mananaig dahil ang lungkot mo ay walang sapat na basehan at imbento lang ay isa-isa na ring tatangayin ng hangin at mapaparam. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-20-28-30-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaiba ang mga kaganapan sa buhay mo ngayon dahil ang mga matagal mo nang gusto ay isa-isang gumuguhit sa iyong kapalaran. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-6-10-23-25-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapakita na naman sa langit ang mga bulalakaw. Ibig sabihin, muling magpapakita ang naggagandahang oportunidad sa iyong buhay. Sobra sa sapat ang mga ito para ikaw ay yumaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-20-25-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ituon mo lang ang iyong ginagawa sa materyal na bagay at pagkakaperahan. Ibinabalita na sa araw na ito, malapit na malapit ka nang yumaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-26-33-36-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat lumabas ng bahay at matakot na umalis sa iyong comfort zone. Sa malayong lugar at sa paglabas sa iyong sarili, makukuha mo ang mas maraming magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-16-26-27-33-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Alam mo ba kung bakit madalas kang nakatingin sa malayo? Ang dahilan ay nasasagap mo ang mga suwerte na darating sa iyong buhay. Ito ang masayang balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-20-24-29-34.




Comments