top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Abril 17, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 17, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 17, 2021



Sa may kaarawan ngayong Abril 17, 2021 (Sabado): Magtiwala ka, ang langit ay naglaan sa iyo ng malalaking suwerte sa buhay. Gayunman, daraan ka pa rin sa maraming pagsubok at hamon ng kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakadarama ka ng takot kahit sa totoo lang, ikaw ay matapang. Mahirap paniwalaan na ang takot mo mismo ang magbibigay sa magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-19-23-28-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang umatras, ang pinagdaraanan mo ngayon ay iyong malalagpasan. Minsan, kailangan ng tao na magtuloy-tuloy ng pagsulong kahit madilim ang nilalakaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-22-27-30-31-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Kaya sobrang maganda ang kislap ng mga bituin ay dahil sa pagpapalitan ng liwanag at ng dilim. Kikislap ngayon ang iyong suwerte na akala mo ay malas ka pero suwerte pala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-28-33-36-41.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi totoo ang nasa isip mo na mahihirapan kang labanan ang mga pagsubok sa iyong harapan. Dahil ang totoo, kapag nagpakita ka ng tapang, ang mga problemang ito ay kusang maglalaho na parang bula. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-18-28-30-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran dahil iisnabin mo ang mga humahamon sa iyo. Akala nila, talo ka na at tulad ng dati, magugulat sila dahil ang huling halakhak ay makikitang para pala sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-24-27-30-37-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Silipin mo muna ang iyong kinakaharap na hamon ng kapalaran, kumbaga, huwag kang sugod nang sugod. Sa halip, sumugod ka lang kapag may nakita kang butas na iyong malulusutan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-18-20-21-27.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Itakwil mo ang iyong mga kalabisan. Mas makabubuti sa tao ang nabubuhay nang simple. Ang mga nabubuhay sa kalabisan ay masusumpungan nila na isang araw, sila pala ay bagsak na. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-16-24-38-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang masanay sa masyadong matagal na pag-aanalisa ng mga bagay-bagay. Kumilos ka agad kapag may naisip kang maganda, lalo na kung tungkol sa sarili mong ligaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-23-28-30-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mabilis kang aabante kapag muli kang nakipag-ugnayan sa isang noon ay pinanggalingan ng iyong sigla at lakas na siya ring lihim na nakakaunawa sa mga problema mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-27-39-40-46.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi makakalayo ang hindi nakasayad ang mga paa sa lupa. Gayunman, aakalain nila na sila ay nakalayo, kaya lang, bigla rin silang babalik kung saan sila nagsimula. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-19-23-25-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nadarama mo na ngayon at sa ilang araw na darating na ikaw ay susuwertehin. Ito ay mangyayari at ang mga suwerte mo ay higit na marami sa inaasahan mo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-29-31-30.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pilitin ang ayaw sumama. Sa huli, sila ay magsisisi at manghihinayang dahil ikaw pala ang panggagalingan ng nakamamangha at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-14-18-27-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page