Horoscope | Abril 16, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 16, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 16, 2026 (Huwebes): Kailangan mong lisanin ang lupang sinilangan mo upang gumana ang mga suwerte mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Natutukso kang mamasyal sa malayo, pero ang tanong, magagawa mo kaya? Puwede, lalo na kung ihihinto mo muna ang pagsisikap at ilalagay mo sa isip mo na kailangan mo ring mag-unwind. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-22-28-36-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling nagbalik ang matalas mong isipan. Tulad ng dati, mabilis na papasok sa isip mo ang mga solusyon sa problema mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-19-23-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Ipahiram mo sa iba ang magagandang ideya na hawak mo. Pero ang pinakamaganda ay para lang sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-21-25-33-44.
CANCER (June 21-July 22) - Mula sa malayo, darating ang mga hindi mo inaasahang suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-20-27-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pabigat nang pabigat ang mga responsibilidad mo, pero pagagaanin pa rin ng langit ang mga pasanin mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-15-22-31-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sa iyo magmumula ang lakas ng mga taong nakadikit sa iyo. Gayunman, huwag kang mabahala, dahil langit mismo ang magdaragdag ng lakas mo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-7-17-21-26-34-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghanap ka ng bago para magbago rin ang takbo ng kapalaran mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-24-28-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtiwala ka sa sarili mo dahil kailangan mong patuloy na tumingin sa hinaharap. Hindi mo puwedeng balik-balikan ang mga sanhi ng kalungkutan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-16-19-25-32-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag nalibang ka, aatras ang mga suwerte mo. Kaya magpatuloy ka sa pagsisikap dahil ang tunay na pormula ng pagpapayaman ay ang patuloy na pagsusumikap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-15-24-30-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang maniwala sa iba. Sa katunayan, sila ang dapat na maniwala sa iyo dahil hawak mo ang mga susi upang magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-19-26-33-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nanlalamig na ang mga karibal mo dahil patuloy silang nabibigo sa pag-awat ng mga suwerteng dumarating sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-22-29-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahalaga sa iyo ang mga araw na ito dahil kapag nakita ng langit na seryoso ka, reregaluhan ka Niya ng sobrang gandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-16-20-24-34-41.



Comments