top of page

Horoscope | Abril 16, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 16, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 16, 2025 (Miyerkules): Kailangan mong manirahan malayo sa bayan na iyong sinilangan, upang matagpuan mo ang iyong suwerte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malayo ang mararating ng isip mo at maaari ka pang mawala sa reyalidad. Kaya huwag mong kakalimutan na kung ano lang ang puwede mong hawakan,  ‘yun lang ang may bilang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-16-29-31-36-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makipagkwentuhan ka upang muling sumigla ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-19-21-24-28-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Mayaman ngayon ang iyong imahinasyon. Puwede mo ngayong likhain ang mga hindi makatotohanan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-15-17-25-27.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano lang ang kailangan nila, iyon lang ang ibigay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-13-22-26-28-34. 


LEO (July 23-Aug. 22) - Pasayahin mo ngayon ang mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-25-28-39-42. 


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang kulang sa iyo, punan mo. Kung ano ang kakulangan ng kapwa mo, hayaan mo. Mas maganda kung ‘di ka mangingialam sa buhay ng iba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-20-23-33-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple lang naman ang kailangan mo. Kaya hindi mo na kailangan pa ng mga magarbong kagamitan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-21-26-31-44. 


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Oo kung oo at hindi kung hindi. Gayunpaman, huwag kang magpapadaya sa iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-29-31-33-38-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka mas nakakaluwag, ‘yun ang piliin mo. Huwag mong piliin ang isang bagay kung alam mong mahihirapan ka lang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-21-24-27-30-35-39.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang basta maniniwala. Ito ang payo sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-13-20-23-28-33.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maglibang ka para makapag-isip ka ng positibo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-19-25-37-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyo ang araw na ito. Kaya gawin mo na ang mga bagay na magbibigay ng saya at ligaya sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-27-30-35-40.



Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page