top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 16, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-16 Araw ng Abril 2024


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 16, 2024 (Martes): Napakarami mong pangarap. Unahin mo ang pinakagusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makikitang pabagu-bago ka ng isip. Dahil dito, huwag ka munang magdesisyon, dahil tiyak na babaguhin mo lang din ito. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-12-17-24-33-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang magtanong, lalo na kung nais lang naman nilang magkaroon ng kaalaman. Magtanong ka sa mga kilala mong umasenso na sa negosyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-18-21-30-37.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kunin mo ang para sa iyo, at kunin mo ang inayawan  ng iba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-19-23-26-39.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magpapalit ng pasya. Dahil kapag nagpalit ka, mas lalo ka lang mapupunta sa mali. Mas mabuting panindigan mo kung ano ang una mong sinabi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto- 2-11-20-29-33-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo ang sarili mo, may babala na matatangay ka ng maling paniniwala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-13-22-35-41-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maganda ka ngayon, kaya panatilihin mo lang ito. Huwag kang papayag na mahawa sa mga taong puro porma lang ang alam. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto- 5-14-28-32-39-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi dapat pagtuunan ng pansin ang maliliit na pagkakamali. Dahil lahat naman tayo ay nagkakamali. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-9-15-24-33-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sa paunti-unti, ang negosyo ay umuunlad. Sa pagdadahan-dahan, ang halaman ay tumutubo, lumalago at lumalaki. Ito ang tunay na batas sa pagnenegosyo. Masuwerteng-blue. Tips sa lotto- 2-13-22-28-39-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sarili mo ang pakinggan mo. May babala na kapag nakinig ka sa iba, magsisisi ka lang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-24-29-31-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang mga taong mas maraming alam kesa sa iyo. Sa ganitong paraan, may mapagkukunan ka ng mga kaalaman na mapapakinabangan mo sa pagnenegosyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-8-16-26-37-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte at patuloy kang susuwertehin. Ang kondisyon, palagi mong suotin ang lumang alahas na ipinamana pa sa iyo ng lola mo. Kung wala kang ganitong alahas, maghanap ka ng antigo. Pareho rin ang magiging resulta nito kapag ito ang isinuot mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-26-35-44-49.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lakas ng loob ang kailangan mong ipatupad ngayon. Kapag nagawa mo ‘yan, sunud-sunod na suwerte na may kaugnayan sa damdamin at materyal na bagay ang bubuhos sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-20-25-34-40.

 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page