top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Horoscope | Abril 15, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 15
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 15, 2026



Horoscope


 

Sa may kaarawan ngayong Abril 15, 2026 (Miyerkules): Magagandang bagay ang ihaharap sa iyo ng langit. Ito ay isang malinaw na palatandaan na hindi lang magagandang tao ang darating sa iyo, kundi pati na rin ang magagandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napapaligiran ka ng mga tukso ngayon. Tulad ng dati, mas pahalagahan mo ang iyong kinabukasan at unahin mo ang iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-18-20-31-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw ang panalo sa ngayon. Alam mo kung sino naman ang uuwing talunan? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga kontrabida sa buhay mo at sila rin na lihim na naghahangad na mabigo ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-15-22-27-33-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Unawa ang kailangan mo ngayon. Kaya unawain mo ang mga taong nakikita mong hindi umaayon sa iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo sa ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-13-21-25-34-42.


CANCER (June 21-July 22) - Dumating na muli ang mga araw na malakas ang iyong kutob. Makukutuban mo ang motibo ng mga makakaharap mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-12-29-32-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit ayaw mo, tulungan mo pa rin ang malalapit sa iyo. Nakamasid ang langit at alam Niyang ikaw lang ang may kakayahang umalalay sa iba. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-17-20-24-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagtatalo ang isip mo kung sisimulan mo na ba ang matagal mo nang balak na negosyo. Ang payo ay simulan mo na upang magsimula na rin ang tuluy-tuloy mong pag-unlad at pag-asenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-28-30-37-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw kung saan madali at masaya mong magagawa ang mga bagay na hindi mo nagawa noon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-15-21-26-35-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan ang labis na tiwala sa sarili. Mas mabuti kung makikinig ka sa mga payo ng mga taong alam mong nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-20-25-37-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na ang iyong suwerte ay manggagaling sa mga taong iyong inspirasyon. Sila ang matagal nang nagpapalakas ng loob mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-16-22-32-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang pagkakataong makuha ang gustung-gusto mo. Lakas lang ng loob ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-26-28-38-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumitaw na naman ang malakas mong gayuma. Lihim kang mapapangiti dahil ang mga taong lumayo sa iyo ay unti-unti nang babalik. Ito ay dahil sa likas mong karisma. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-14-21-30-33-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mag-alinlangan. Ang pabor na hinihingi mo ay mapapasaiyo na. Kaunting pangungulit lang ang kailangan mo upang makuha mo ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-27-32-38-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page