Horoscope | Abril 15, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 15, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 15, 2023 (Sabado): Ito ang araw na inayos ng langit upang paboran ang lahat ng binabalak mo. Anuman ang iyong pangarap na hindi mo nakakamit ay ipagkakaloob sa iyo ngayon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin mo ang magbibigay sa iyo ng saya. Hindi puwedeng palagi kang matamlay at walang sigla. Kapag masaya, ang mga gawain, gaanuman kabigat ay gumagaan din. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-23-28-30-32-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magsasabay-sabay ang pagdating ng magagandang bagay. Ang lahat ay inilaan ng langit para sa iyo. Ang payo ay nagsasabing, sinupin at ‘wag mong sasayangin ang mga ito. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-18-22-24-29-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte. Ang paunang impormasyon ay nagsasabing, makikislap ang kanilang mga suot at ang iba ay bago ang mga gamit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-7-11-15-17-25.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ito ang tamang araw para sa pagpapalit o pag-ayaw sa mga nasa sa iyo na. Puwede kang magkaroon ng iba pa, pero panatilihin mo ang hawak mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-24-27-36-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tanggapin mo ang lumalapit, inaalok at ibinibigay sa iyo. Ang lahat ng ito ay iyong mapapakinabangan mo sa malapit na hinaharap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-16-27-30-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tumulong ka dahil ang araw na ito ay masuwerteng araw sa pagtulong. Ang pahabol na mensahe, kapag ginawa mo, malalaking biyaya at pagpapala mula sa langit ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-15-17-28-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magbawas ka ngayon. Ang mga luma at hindi mo na gusto ay ibigay mo sa puwedeng pagbigyan. Kapag may nabawas sa iyo, ang madaragdag ay labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-21-26-27-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagdadahan-dahan ang mga sasakyan kapag sobrang traffic. Magdahan-dahan ka rin at huwag kang magyabang kapag ang mga biyaya ay bumuhos sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-15-29-30-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa mga lalapit sa iyo na sa tingin mo ay gusto lang maging bahagi ng iyong buhay at nakatutok lang sa iyong kabuhayan. Mag-ingat ka sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-23-28-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka pinagdadamutan ng langit. Ang totoo, ikaw mismo ay nagdadamot sa iyong sarili. Subukan mong pasayahin ang sarili mo at tiyak gaganda ang lahat sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-16-19-22-26.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag nagalit ka, ang kawangis mo ay isang bagyong sobrang lakas. Kaya bakit ka magagalit? Kontrolin mo ang iyong sarili dahil alam mong ito ay totoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-20-21-32-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang makinig sa nagsasabi na huwag piliin ang maganda sa paningin. Bakit mo naman pipiliin ang hindi magbibigay sa iyo ng inspirasyon at saya sa buhay? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-21-24-28-30-38-42.




Comments