Horoscope | Abril 14, 2026 (Martes)
- BULGAR

- Apr 14
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 14, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 14, 2026 (Martes): Bilis ang magdadala sa iyo sa tagumpay. Ito ang sandata ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong patagalin ang pagbuo ng plano, na may kinalaman sa pagpapayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-12-20-32-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan masaya, iyon ang piliin mo. Walang taong gustong malungkot. Kaya ang masasayang aktibidad ay huwag na huwag mong palalampasin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-24-26-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Masaya ka sa paningin ng iba. Pero sa katunayan, nalilito ka sa kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-21-28-31-43.
CANCER (June 21-July 22) - Nag-uumapaw ang damdamin mo. Ang payo ay ihayag mo ang nadarama mo, dahil ito ang tunay na susi ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-22-29-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maging alerto ka sa iyong kakayahan, lalo na pagdating sa pananalapi. Ang kaligayahan ay napapalitan ng kalungkutan kapag sa huli ay wala kang magagastos sa darating na mga araw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-9-14-24-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mababawasan ang kaligayahan mo kapag hindi mo pinalaya ang iyong isipan sa mga negatibong bagay na pumapasok at lumalabas dito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-12-28-33-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang maliligayang araw na ito, at huwag mo ring kalimutan na sa pagiging malaya, ang tao ay tunay na lumiligaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-22-30-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong kalilimutan na maging matalino—isip ang gamitin at ‘wag ang damdamin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-20-29-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nabubuhay ang tao sa pagtutok lamang sa hanapbuhay. Kailangan mo ring tutukan ang personal mong kaligayahan at kung paano ka liligaya sa piling ang minamahal mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-8-18-25-38-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nanariwa ang mga bulaklak dahil sa halik ng hamog. Tandaan mo na ang halik ay mahalaga sa isang tao at nakakapawi ito ng pagod at hirap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-16-21-28-36-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nagsisinungaling ang mahiwagang salamin sa dingding. Mananatili kang kaakit-akit sa lahat, pero mag-ingat ka dahil dumarami na ang naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-27-30-37-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago mawala sa loob mo, may mga suwerte kang magmumula sa malayo. Gayunman, huwag mong kalimutan na makipag-ugnayan sa mga nasa malayo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-21-26-38-42.



Comments