Horoscope | Abril 14, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 14, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 14, 2023 (Biyernes): Yayaman ka sa pagnenegosyo. Mula sa maliit na puhunan, mapapalago mo ang negosyo na iyong tututukan. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mo nang patagalin kung kailan mo sisimulan ang iyong mga plano. Ngayon ang tamang panahon upang mabilis mong maisagawa ang mga ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-23-29-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil binigyan ka ng isang nagmamahal sa iyo na itutulak ka para gawin ang mga hakbang para sa iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-19-20-21-24-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Kusang nawala ang mga kontrabida sa buhay mo, kaya ngayon mo samantalahin at gawin ang mga gusto mong matapos, na dati pang sinasalungat ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-22-26-34-35.
CANCER (June 21-July 22) - Dumating na ang tag-init at ang hindi magtatampisaw ay malulungkot. Bago mo pasukin ang binabalak mong negosyo, ihanda mo ang iyong sarili at ang mga kakailanganin mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-25-26-27-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nadidisgrasya ang sasakyan kapag mabilis ang pagpapatakbo. Magdahan-dahan ka at mas maganda kung kokontrolin mo ang iyong emosyon. Tandaan, nasa huli ang pagsisisi. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-16-22-27.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malaki ang panalo ng malakas ang loob, kaya lakasan mo ang iyong loob. Makipagsapalaran ka at makakaasa ka na malalaki ang iyong mapapanalunan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-20-21-26-28.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Talunan ang nag-aalinlangan dahil siya ay mauunahan ng kanyang mga karibal. Huwag mong hayaan na maghari ang pag-aalinlangan. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-26-28-31-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasusorpresa ang kalaban sa biglaang pagsugod. Magkunwari kang mahina at biglan mong ipatupad ang iyong mga plano. Makakaasa kang huli na bago sila makahabol sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-15-16-28-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit gaano katindi ang init ng araw, nakakasingit din ang masarap na ihip ng hangin. Maghanda ka dahil maisisingit mo ang mga gusto mong mangyari, na akala mo’y ‘di mo magagawa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-24-36-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Itago mo ang pagiging mahiyain. Kumilos ka nang may tiwala sa sarili at makakaasa kang mabilis na aangat ang kabuhayan mo at hahangaan ka ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-19-25-34-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran. Dadalhin ka nito sa lugar kung saan makakaharap mo nang mukhaan ang magagandang kapalaran na noon pa nakalaan sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-25-39-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa isip mo lang ang mga imbentong problema. Nakalimutan mo na ba nag hindi mo pinansin ang iyong mga suliranin, ang mga ito ay nawala na parang bula? Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-25-26-35-37.




Comments