Horoscope | Abril 13, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- 10 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 13, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 13, 2026 (Lunes): Taglay mo ang kakayahang igiit anumang gusto mo. Kaya wala kang katuwiran kapag nabigo ka sa buhay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw mo. Kaya puwede mong gawin anumang gusto mo. Inirerekomenda na ang gawin mo ngayon ay ‘yung mga bagay na hindi mo pa nagawa noon at hindi mo pa napagtagumpayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-20-26-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aakalain mong ang araw na ito ay hindi pumapabor sa iyo. Magkagayunman, kikilos ang langit at ang lahat ng sagabal sa landas ng buhay mo ay tatanggalin upang hindi na makaapekto sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-10-23-27-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng masayang kulay ng damit para sumaya ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-14-21-29-31-43.
CANCER (June 21-July 22) - Tulungan mo ang mga ‘di mo kilala. Ito ang isang banal na misyon para sa iyo. Huwag ka ring mag-alala, dahil ang gantimpala ng langit ay nakahanda na para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-24-28-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magkahalong saya at lungkot ang madarama mo ngayon. Sasaya ka dahil sa nangyayari sa buhay mo, pero may nakikita kang sapat na dahilan para malungkot dahil karamihan sa mga kakilala mo ay kapos sa kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-26-33-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmadali ka dahil maraming oportunidad na nasa harapan mo na aalis din kapag nakitang mabagal at tatamad-tamad ka. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-7-23-25-27-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghanda ka at palakasin mo ang iyong sarili. Dumating na ang mga araw, kung saan puwede kang magdagdag ng kapangyarihan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-19-28-35-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap paniwalaan na kung haharapin mo ang kinatatakutan mong bagay, tiyak na magkakaroon ka ng kakaibang suwerte. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-15-22-34-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ang iyong mga karibal. Kahit wala kang gawing anuman, aaminin nila na sila ay talunan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-10-21-30-34-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na ang mga sorpresa mula sa mga hindi mo inaasahan ay mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-16-28-29-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang masyadong magpakumpiyansa. May babala na lalabis ang tiwala mo sa sarili mo bago mo malamang ikaw pala ay naisahan na. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-8-14-25-31-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagsisimula nang magdatingan ang mga suwerte na noon pa nakalaan sa iyo. Ingatan at pahalagahan mo ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-18-26-28-43.


Comments