top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 13, 2024 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-13 Araw ng Abril 2024


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 13, 2024 (Sabado): Huwag mong pansinin ang mga kinakatakutan mo, dahil mga multo lang ito ng mga kathang-isip mo. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labanan mo ang hamon ng iyong kapalaran, dahil ang panalo ay para sa iyo, samantala ang pagkatalo naman ay para sa mga taong walang bilid sa kakayahan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-22-34-39-40.


 TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umiwas ka sa mga taong wala ka namang mapapala, dahil ang alam lang naman nilang gawin ay ang manira. Hindi ka para sa ganu’ng klaseng tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-17-27-30-36.


GEMINI (May 21-June 20) -  Pag-aralan mong mabuti ang papasukin mong negosyo. Sa ngayon, hindi puwedeng palakasan lang ng loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-9-16-23-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Makinig ka sa taong iyong pinagkakatiwalaan, at huwag mong pakikinggan ang mga bago mong kakilala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-17-25-34-44. 


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabalik ang dapat magbalik. Kapag hindi sila bumalik, tanggapin mo na lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-4-13-22-31-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo kailangan ng ebidensya. Ang kailangan mo ngayon ay tiwala. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-28-30-33-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) -  Damhin mo ang kabutihang ipinapakita sa iyo. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung totoo ba ang kanilang pagtingin sa iyo. Kapag wala kang naramdamang saya, ibig sabihin, pagkukunwari lang ang pinapakita nila sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-18-22-27-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilantad mo ang galing at husay mo para layuan ka ng mga hindi kayang sumabay sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotoo-9-14-23-26-30-45.  


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) -  Isulong mo ang pagsasama-sama ng mga ideya. Sa ganitong paraan, mas mabilis kang aasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-19-21-27-33-43. 


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa mga taong madaling masaktan. Mas magandang sumama sa mga taong may malawak at mahabang pang-unawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-15-18-29-37-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Limitado lang ang panahon, kaya dapat mabilis ka ring sumunggab sa mga oportunidad na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-17-25-33-40-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga taong puro salita at pangako. Sasakit lang ang ulo mo sa ganitong klaseng mga nilalang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-19-22-29-35.

 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page