top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Abril 13, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 13, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 13, 2023

Sa may kaarawan ngayong Abril 13, 2023 (Huwebes): Huwag mong pansinin ang mga negatibong laman ng iyong isip at makakaasa ka na matutupad ang iyong pangarap. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagkakasakit ang sobrang matipid. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili at mas maganda na magsaya at maglibang ka kasama ang mga kabigan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-29-31-38-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - May baitang ang hagdan ng tagumpay. Ang bawat baitang ay ang mga kabiguan na pinagkukunan ng aral sa buhay, kaya ang mga ito ay positibo ring karanasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-24-28-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Kahit sobrang bilis ng kilos mo at parang hindi ka mapakali, bukas na bukas ang isip mo sa anumang puwedeng baguhin. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-23-27-34-37.


CANCER (June 21-July 22) - Maramdamin ka ngayon at manipis ang iyong pasensya. Ipinapayo na layuan mo ang mga taong hindi mo gaanong gusto ang mga ugali at sinasabi. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-26-28-35-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi sinasadya na mabibigyan mo ng suwerte ang iyong kinaiinisan. Pero rito magsisimula na magkakaoroon kayo ng pagkakataong magiging sobrang dikit sa isa’t isa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-23-27-30-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na halos lahat ay makakaramdam ng tila mabigat ang buhay. Pero ito ay pakiramdam lang at hindi totoo sa mga kilos ng may positibong personalidad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-27-32-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang gustong samantalahin ang iyong kabaitan at magandang asal. Kung hindi ka magiging maagap, madaragdagan ang mga kaibigan mong mahilig manlamang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-24-25-36-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kailangan mo ang lakas kaya mamahinga ka. Mas maganda ang maagap kaysa hindi nakikinig sa payo ng nag-aakalang siya ay malakas kahit nakakaramdam ng hindi maganda sa katawan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-28-29-31-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi gaanong mahalaga ang kumikita ng malaki kung hindi paghahandaan ang kinabukasan. Dapat mong maunawaan na ang kasalukuyan ay para sa darating na mga araw. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-22-25-27-37-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malakas makatangay ang saya at ligaya. Ang unang natatangay ay ang isip, at kapag nangyari ito, makakalimutan na higit na kailangang magtipid. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-24-25- 33-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang tagapagpasaya ngayon at sa ilang araw na darating. Dahil sa misyon mong ito sa mundo, pagkakalooban ka ng langit ng sangkatutak na suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-27-28-38-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humawak ka sa pangarap mo at higpitan mo ang paghawak. Ito ang magsisilbing panlaban sa mga walang pag-aaksaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-30-33-36-38-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page