Horoscope | Abril 12, 2025 (Sabado)
- BULGAR
- Apr 12
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 12, 2025

Sa may kaarawan ngayong Abril 12, 2025 (Sabado): Kumilos ka man o hindi, ‘di pa rin naman mag-iiba ang kapalaran mo. Ito ang mensahe ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo matatakasan ang pangarap mo. Kahit saan ka man magpunta, aasenso ka pa rin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-15-26-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagmamadali na parang mabilis na sasakyan ang suwerteng gustong humabol sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-20-28-30-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali, dahil masasayang lang ang bawat sandali kung ‘di mo ito susulitin. Sa pagmamadali, maaari mong hindi makita ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-13-25-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Ibibigay ng langit ang gusto mo at hindi ka maiinip ngayon. Isa lang ang dapat mong gawin, bilisan mo ang pagsunggab sa mga oportunidad na nasa harapan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-22-25-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Liliit ang mundo ng mga taong may atraso sa iyo. Gayunpaman, mananatili pa ring malaki ang puso mo, kaya babalewalain mo na lamang ang kanilang ginagawa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-17-20-31-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makakaipon ka ng magagandang ideya sa mga nakikita at naririnig mo. Kaya kumilos ka na ngayon, dahil ‘yun na lang ang kulang sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-14-20-25-29-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang hihiwalay sa pangarap mo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-13-15-28-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo na kailangan mag-isip pa ng ibang paraan upang muli kang suwertehin, dahil ito mismo ang lalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-19-26-31-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kasing taas ng langit ang pangarap mo, pero kahit na ganu’n, maaabot mo pa rin ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-20-28-36-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alam ng langit ang pagsusumikap mo. Kaya asahan mo na makakatanggap ka ngayon ng magandang bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-22-28-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maglaan ka ng oras kahit sandali lang para sa iyong sarili. Kapag payapa na ang iyong isipan, darating na ang mas marami pang mga suwerte at magandang kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-25-27-31-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng mabigo. Kaya papabor sa iyo ngayon ang mga kaganapan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-24-28-30-38-42.
Comments