top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 12, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-11 Araw ng Abril 2024


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 12, 2024 (Biyernes): Itinakda na ikaw ang dapat mamuno. Hindi ka kabilang sa mga pangkaraniwang mga tagasunod lang. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka gaanong mahihirapan na tahakin ang landas ng iyong tagumpay. May mga hadlang at sabagal, ngunit hindi naman ito nakakaapekto sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-15-24-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humingi ka ng opinyon sa alam mong higit na may kaalaman kesa sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-19-23-39-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Pabalik-balik lang naman ang mga pangyayari sa buhay ng bawat tao. Tulad ngayon, muling magbabalik ang mga araw na kung saan lalapit sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-9-17-24-29-34. 


CANCER (June 21-July 22) - Asikasuhin mo ang iyong kabuhayan. Huwag mong kaligtaan na ang tao ay nabubuhay para sa kanyang magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-10-22-34-40-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lahat ng tao ay may pangarap, ngunit hindi lahat napapasakamay nila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-25-28-34-37-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa pagpaplano. Kumilos ka, ayon sa kagustuhan mo. Samantalang ang mga planong hindi mo mabuo ay kalimutan mo muna. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-16-23-32-36-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mo na ang mga taong mahihirap kausap. Bakit mo sila iintindihin gayung hindi naman sila marunong umunawa? Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-15-24-33-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tatakbo nang mabilis at walang kahirap-hirap ang gulong ng iyong kapalaran. Maiiwanan mo ang iyong mga kakompitensya. Ito ang mensahe para sa iyo.  Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-14-20-28-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit hindi mo maunawaan, ituloy mo pa rin ang iyong mga balak. Hindi kailangan malaman ng bawat tao kung ano ang layunin ng langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-9-18-22-27-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ka, iyon ang iyong ipakita. Bakit mo babaguhin ang iyong sarili para lang sa iba? Muli, kung ano ka, iyon ang iyong ipakita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-8-16-25-31-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon makikita mo ang mga araw ay mabilis na lumilipas at ang mga nagpabaya ay maiiwanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-22-28-34-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon mo dapat na ipakita sa langit na ikaw ay seryoso. Dahil kapag nakita Niyang nagpupursigi ka sa buhay, doble ang iyong matatanggap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-40.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page