top of page
Robin Padilla - Senate PH 2.jpg

Horoscope | Abril 11, 2026 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 11
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 11, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Abril 11, 2026 (Sabado): Gawin mo ang gusto mong gawin at huwag kang mag-alinlangan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran na dapat mong malaman at sundin.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kailangan matuto kang maghirap, dahil may babala na lalabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-16-23-28-33-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kailangan ng alalay. Hindi ka dapat masanay na laging may umaagapay sa iyo. Mas maganda ang malaya at nagagawa ang gustong gawin nang mag-isa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-26-34-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Bakit inaakala mong mas malakas sa iyo ang iyong mga karibal? Ang totoo, sa biglang tingin lang sila malakas, at ang isa pang totoo, kapos sila sa talino. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-13-25-35-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Nakalimutan mo na ba na ang takot ay nasa isip lamang? Kaya gawin mo anumang naisin mo! Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-24-31-36-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malamig ang panahon, pero hindi ka dapat manlamig sa pagsisikap na matulungan ang mga umaasa sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-22-25-27-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng ideya sa mga nauna na sa iyo. Hindi mo puwedeng ipagmalaki na alam mo na ang lahat, lalo na’t wala ka pa ring sapat na karanasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-21-30-39-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtago sa masasayang aktibidad. Ang mga problema ay hindi iniiwasan. Harapin mo at makakaasa ka na ito ay iyong malulutas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-18-23-38-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano lang ang kailangan, iyon lang ang pag-ukulan mo ng pansin. Hindi ka dapat matuksong maghangad ng mga bagay na hindi mo naman talaga mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-24-37-40-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka madadalian, iyon ang iyong unahin. Ang mahirap na gawain ay huwag mo munang gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-9-17-20-35-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinaghahandaan ang hinaharap, hindi hinihintay. Kaya dapat magsakripisyo ka para sa iyong kinabukasan. Huwag mong kalimutan ang bagay na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-22-27-39-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit wala kang gawin, lalayo sa iyo ang mga hindi magagandang kapalaran dahil ang mga ito ay hindi naman talaga para sa iyo. Ipanatag mo ang iyong kalooban, dahil ipinanganak ka upang suwertehin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-13-25-29-36-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang habulin ang umalis na, dahil sa totoo lang, kusa rin naman silang babalik. Tandaan mo, ang para sa iyo ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-26-30-34-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page