top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 11, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-11 Araw ng Abril 2024


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 11, 2024 (Huwebes): Unahin mo ang sarili mong kaunlaran. Ito ang tutukan mo, dahil sa ganitong paraan ka uunlad.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Kung ano ang maging laman ng imahinasyon mo, ‘yun ang mangyayari sa buhay mo. Ibig sabihin, binibigyan ka ng pribilehiyo na itakda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-18-24-33-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang ang iyong kailangan. Kaya kapag may bagong oportunidad sa iyong harapan, ‘wag kang matakot na sunggaban ito. Sa ganyang paraan, mapapasaiyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red.  Tips sa lotto-6-14-18-21-36-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka, dahil minsan hindi sa bilis nakukuha ang isang bagay, kundi sa pagiging marahan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-16-23-34-40-42.


CANCER (June 21-July 22) - Magdagdag ka ng kaalaman. Mas maganda ang maraming alam upang maiwasan mo ang pagkalugi at panghihinayang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-7-19-29-35-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang madali sa iyo, iyon ang piliin mo. Hindi ngayon ang panahon para pahirapan mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-4-13-22-31-44. 


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tama at gawin mo agad ang nauna mong naisip na pormula. Kapag nag-alinlangan ka, matatagalan ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-5-18-21-28-34-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumuha ka ng aral sa mga nakikita mong pagkakamali ng iyong kapwa. Ang kanilang karanasan ang magsisilbi mong guro para lalo ka pang umunlad at magtagumpay. Masuwerteng kulay-peach.  Tips sa lotto-6-17-23-28-33-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magmadali, dahil may kakayahan kang paghintayin sila. Kapag natuto at marunong kang maghintay, tuluy-tuloy na darating sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-7-19-25-37-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang abot ng kamay mo, iyon ang kunin mo. Ibig sabihin, ‘wag mo nang pangarapin ang mga bagay na maraming kailangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-21-24-32-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong buhayin ang matagal nang patay. Tanggapin mo ang katotohanan na ang tao ay dapat sa hinaharap nakatutok at hindi sa nagdaan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-17-20-25-35-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Puwede ka na magsaya dahil alam mo na ang sikreto kung paano magiging masaya ang isang tao na tulad mo na puno ng pagsubok at kalungkutan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-12-27-30-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na nakaantabay sa iyo ang tagumpay at kaligayahan. Kapag umalis at namasyal ka sa malayong lugar, tiyak na liligaya at magtatagumpay ka. Kaya ano pa ang ginagawa mo ngayon? Gora na! Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-16-22-29-38-40.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page