Horoscope | Abril 10, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 10, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 10, 2023 (Lunes): Huwag mong sayangin ang mga biyaya na ibinibigay sa iyo ng langit. Panghihinayangan mo ang mga ito kapag hindi mo pinahalagahan. Ang payo ay mag-ipon ka nang mag-ipon para sa iyong kinabukasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong matangay ng masasayang kaganapan. Marami ka pang gagawin para maabot ang iyong mga pangarap. Magsaya ka, pero huwag sobra-sobra. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-20-21-26-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Samantalahin mo ang mga araw na maaliwalas ang langit. Balikan mo ang iyong buhay, hindi ba, mas maraming suwerte ang dumarating sa iyo sa ganitong panahon? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-24-26-30-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo mapipigilan ang paglabas ng iyong kakaibang sigla. Sinadya ng langit na madama mo ito dahil ang magagandang oportunidad ay lalagay sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-20-29-30-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Piliin mo ang pinakagusto mo sa mga nag-aalok sa iyo ng mga proyektong magpapaunlad sa iyong buhay. Hindi tama na ang lahat ay kanyang ginugusto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-28-31-36-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Humugot ka ng lakas sa mga tagumpay na nakamit mo na. Hindi ka dapat panghinaan ng loob dahil ikaw ay nasaktan at nakaranas ng kabiguan sa nakaraan. Limutin mo ang kahapon at magsimula ng bagong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-14-27-30-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makulay ang paligid dahil sa mga bulaklak sa tabi ng daan at bakuran. Bigyang-pansin mo ang mga ito nang sa gayun, positibong bagay ang iyong maranasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-22-26-29-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na inilaan sa iyo ng langit. Kahit mainit ang panahon, ituloy mo ang iyong mga binabalak. Uminom ka ng maraming tubig at ipatupad mo agad ang anumang iyong ninanais. Tiyak na ang iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-23-24-35-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nasa harapan mo, ‘yun ang kaloob sa iyo ng langit. Huwag ka nang mag-alinlangan pa, hindi tama at maaaring masaktan ka lamang kung nasa malayo sa iyo ang pipiliin mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-16-26-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kayang-kaya ng tao na baguhin ang nasa kanyang paligid, gayundin ang hindi niya gustong nagaganap sa buhay niya. Kaya mo ring pagandahin ang buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-14-16-27-28.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang gusto mo, gawin mo. Kapag ginawa mo ang gusto ng iba, sila ang masisiyahan at hindi ikaw. Huwag kang mabuhay para sa iba. Sa halip, mabuhay ka para sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-18-21-29-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga palapintas, paladaing at negatibo. Tulad ng sakit, sila ay nakakahawa na puwedeng magpapangit ng iyong kapalaran. Mauswerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-19-20-25-26-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na hindi mo dapat paganahin ang iyong emosyon. Sa sandaling nasupil mo ang awa at ang iyong damdamin, mas marami ka pang suwerte at magagandang kapalarang aanihin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-28-39-40-41.




Comments