Horoscope | Abril 1, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 2 minutes ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 1, 2026

Sa may kaarawan ngayong Abril 1, 2026 (Miyerkules): Masuwerte ka na sa mga materyal na bagay at mayaman pa ang iyong kaisipan. Para bang sa lupa, ikaw lang ang nag-iisang anak ng langit kung ituring.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakapusin ang mga karibal mo at hindi sila makakahabol. Kulang sila ng talino na nakuha mo sa iyong mga karanasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-21-24-31-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan masaya, roon ka. Dahil sa mga sandali na ikaw ay masaya, ang mga suwerte ay magsisimulang gumuhit sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lottto-3-11-23-35-38-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla at saya ang mapapasiyo dahil ang maliit na suwerte ay magiging malaki na. Sa totoo lang, kahit ikaw mismo ay masosorpresa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-13-22-26-36-44.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon na darating ang ilang mga suwerte na naantala dahil ang inasikaso mo ay ang mga bagay na wala namang kabuluhan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-27-35-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ang kailangan manggaling sa iyo ay simpatya at malasakit sa malapit sa iyo. Tatanaw siya ng utang na loob at pagkakalooban ka ng bagay na labis mong ikasasaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-14-26-32-34-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang bagay na nagpapasaya sa iyo, iyon ang piliin mo. Sa pagpili mo, huwag kang tumulad sa iba na dinadaya ang sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-18-23-31-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit pa may mawala sa’yo, asahan mong may mas malaking ipapalit. Hindi ka pababayaan ng langit laban sa mga nais kang pabagsakin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-11-17-20-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Humingi ng tulong kung kinakailangan, pero kung kaya mo namang gawin, akuin mo na. Sa ganitong paraan, higit kang pagpapalain at hahangaan ng langit. Masuwerteng kulay-purple.Tips sa lotto-9-13-19-21-28-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gatas ang kailangan ng mga bata pero ikaw na malaki na ay karne na ang kailangan, ibig sabihin, hindi ka na para sa mabababang antas ng buhay. Panahon na para iangat ang sarili at sumubok ng mas mataas na hamon ng buhay. Masuwerteng kulay-pink.Tips sa lotto-3-12-24-27-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabibihag mo ang malakas kahit sa totoo lang ikaw ay mahina. At ang nakakatuwa, susunod sa mga kagustuhan mo na parang alipin ang mga naghahari-harian. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-15-20-25-33-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi puwedeng manatili ka sa nagbibigay sa iyo ng kalungkutan. Magdesisyon at magpasya ka kahit pa nahihirapan ka; ito ang susi upang tuluy-tuloy na pumasok sa buhay mo ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-10-22-29-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suriin mong mabuti ang taong nagbibigay sa iyo ng espesyal na atensyon. Malalaman mo na sa kanya puwede kang sumaya, kaya lang hindi lang ikaw ang kanyang pinapasaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-17-25-27-35-42.



Comments