Horoscope | Abril 08, 2021 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 08, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 8, 2021 (Huwebes): Kung gaano kalaki ang kaba mo na mabigo ka, ganundin kalaki ang tagumpay na mapasasaiyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong takutin ang iyong sarili, sa halip, sugurin mo ang ambisyon mo. Walang pagdududa na mapasasaiyo ito dahil ang totoo nito, kahit marami at malalaki ang ambisyon mo, mapasasakamay mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-blue. Masuwerteng numero-10-19-22-27-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Unahin mo ang iyong sarili. Kapag umasenso ka, saka mo tulungan ang iyong tutulungan. Ito ang sikreto kung paano mo mabibigyan ng magandang buhay ang iyong mga minamahal. Masuwerteng kulay-black. Masuwerteng numero-7-18-24-25-34-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag nahihirapan ka, magpatulong ka. Mali ang hindi mo na kaya ay sinasarili mo pa. Ang mga kaibigan at ginawan mo ng kabutihan ay puwedeng makatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Masuwerteng numero-14-17-20-27-41-45.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong maliitin ang iyong sarili, gayundin, huwag kang mag-alinlangan sa kakayahan mo. Marami sa mga nagtagumpay na ay alam na alam nilang sila’y mahina, pero hindi sumuko. Masuwerteng kulay-peach. Masuwerteng numero-8-12-14-29-31-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hahamunin ka ngayon ng iyong kapalaran, pero ikaw ang mananalo. Ang gusto lang naman ng iyong kapalaran ay maging mas matatag at matibay ka laban sa mga pagsubok. Masuwerteng kulay-red. Masuwerteng numero-18-21-23-39-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit naduduwag ka, ituloy mo lang ang mga plano mo sa buhay na magpapaunlad sa iyo. Kapag nakita mong umaayon sa iyo ang mga pangyayari, tiyak na tatapang ka. Masuwerteng kulay-brown. Masuwerteng numero-8-14-16-25-30-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang naninira sa iyo dahil naiinggit lang sila. Huwag mong kaliligtaan na ang magaganda ay talagang sinisiraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Masuwerteng numero-11-23-28-30-31-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ang tamang panahon para alisin sa buhay mo ang mga walang silbi at nakagugulo lang sa iyong mga diskarte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Masuwerteng numero-1-13-27-28-30-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bawat gagawin mo, dapat makikinabang ka. Ito ang lihim kung paano mas umaabante ang buhay ng mga umaasenso at mayayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Masuwerteng numero-15-17-20-24-41-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbingi-bingihan ka sa mga taong walang ginawa kundi ang isahan ka. Kapag hindi mo na sila pinansin at pinakinggan, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Masuwerteng numero-16-18-22-24-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sabihin mo kung ano ang gusto mo. Sa ganitong paraan, makukuha mo ang talagang gusto mo. Huwag mong isipin na alam na ang gusto mo dahil hindi mo ito makukuha. Masuwerteng kulay-pink. Masuwerteng numero-19-20-25-27-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Minsan, mas magandang nag-iisa. Ito mismo ang ibulong mo kapag may nakasama kang kontra nang kontra at nakakagulo lang sa gusto mong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Masuwerteng numero-6-10-14-15-23-43.




Comments