top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Abril 07, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 07, 2021



Sa may kaarawan ngayong Abril 7, 2021 (Miyerkules): Obligado kang lisanin ang bayan na iyong sinilangan dahil ito ay susi sa katuparan ng iyong mga pangarap.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang pinagkalooban ng mayamang imahinasyon. Mahalaga ito upang magtuluy-tuloy ang iyong pag-asenso sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-29-30-33-36-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hihilain ka ng iyong sarili para lumabas ng bahay dahil ang matagal na pananatili sa bahay ay nagbababala na hihina ang iyong katawan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-14-25-33-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Ikakaila mo ang katotohanan, pero hindi ito ang kasalanan sa pagsisinungaling. Ito ay isang klase ng pagkukubli para sa higit na ikagaganda ng mga pangyayari sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-29-30-33-39.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong patagalin ang iyong pasya. Madalas, ang pasya mo ay tama naman, kaya lang, naiiwanan ng mga kaganapan kaya nawala ang saysay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-14-15-26-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ka, ‘yun mismo ang iyong ipakita. Dahil ang mapagkunwari, sa huli ay nagsisisi. Pero ang nagpapakita ng kung ano siya, mas napapaganda ang kanyang kalagayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-18-20-21-28.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magduda sa kakayahan mo dahil ang mas mabibigat na hamon ng iyong kapalaran ay iyong napagtagumpayan sa marami nang nagdaang panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-20-21-27-30-32-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang para sa iyo, kunin mo. Huwag kang pumayag na makuha ito ng iba. Higit kaninuman, ikaw ang may karapatan kaya mas magandang ipaglaban mo ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-13-20-25-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo muli ang alas na baraha, pero kailangan mo itong ilapag sa mesa ng pakikipagsapalaran. Ibig sabihin, itaya mo ang kapalaran at tiyak ang iyong panalo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-21-28-30-31-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga kumukontra sa iyo. Sa huli, ikaw ang makikitang nasa tama at sila ay makikita rin na kailangang dumikit sa iyo upang makinabang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-23-38-42-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka puwedeng umatras. Ang mas maganda ay umabante ka kahit na sa biglang tingin ay hindi mo kakayanin. Sa huli, lalakas din ang loob mo at ikaw ay mananalo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-25-26-36-39-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi para sa iyo, pero nakuha mo at nang mapasaiyo, nagpasya ang langit na sa iyo na ang nasa mga kamay mo. Ito ang hiwaga na kapag nahawakan mo ay magiging sa iyo na. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-21-27-34-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang maniwala sa mabilisang pagkita na hindi na namumuhunan ng hirap at sikap. Hindi ka dapat mapabilang sa lumulobong hanay ng mga sobrang nagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-16-24-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page