Horoscope | Abril 06, 2021 (Martes)
- BULGAR
- Apr 6, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 06, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 6, 2021 (Martes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay, at ito ay nagsasabi ring ikaw talagang magiging mayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo mapipigilan ang salita ng hula na ikaw, sa mga araw na ito ay maaakit sa maganda. Huwag kang mag-alala, gamitin mong inspirasyon sa buhay ang magaganda sa paningin mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-13-21-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa todong lakas ang puwersa mo. Ang payo ay nagsasabing ituon mo sa pagpapalago ng iyong kabuhayan ang lakas na ito. At kung puwede, huwag nang mapunta sa iba pang aspeto ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-22-27-39-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakaakit ang mga kilos mo. Ang totoo, nasa kilos mo ang napakalakas na gayuma kung saan ang sobrang matigas ang puso at kalooban ay lalambot at manghihina. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-28-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Muling dumating ang mga araw na ikaw ay makikitang mapalad. Ibig sabihin, ang mga kagustuhan mo ay isa-isang nangyayari sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-16-20-21-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magtataka ka sa iyong sarili. Ang dating ayaw mo, dahil sa pagiging mahiyain, ngayon ay sobrang mapapalapit sa iyo at kung magtatagal pa ang ganitong sitwasyon ay magiging kayo na. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-19-21-25-30-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasa iyo na ang mga susi ng tagumpay. Ang kailangan na lang ay ilabas ang iyong mga susi at buksan ang mga pintuan ng oportunidad na magpapaunlad ng buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-14-22-24-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang, agad na kikilos ang langit para pagbigyan ka. Huwag mo nang habaan at lagyan pa ng dekorasyon ang iyong sasabihin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-26-31-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaibang sigla ang mapasasaiyo. Sobra ito sa sapat para iangat mo pa ang iyong buhay. Huwag mong sayangin ang magagandang araw na ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-18-24-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Labanan mo ang iyong nararamdaman. Hindi lahat ng pag-ibig ay mabuti sa isang tao. Ituring mong tukso ang nagpapakita sa iyo ng espesyal na pagtingin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-17-24-26-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maraming kulay ang bahaghari kaya ito ay isa sa pinakamagandang bagay sa ibabaw ng mundo. Sa ngayon, tinitiyak na magiging makulay ang mga kaganapan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-14-29-30-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong akalain na ikaw ay mahina kung saan ang mga kalaban mo ay mas malakas kaysa sa iyo. Lakasan mo ang iyong loob dahil ngayon pa lang ay nadarama na nilang sila ay walang laban sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-21-32-38-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lahat ay gumagalaw, kaya huwag kang mangatwiran kung bakit ka magmumukmok sa isang sulok ng inyong bahay. Kumilos ka at maglibang. Ito ang sikreto upang gumana ang iyong mga suwerte na hawak mo sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-19-25-38-43.




Comments