Hontiveros, umapela sa US: Palayain ang anak ni Percy Lapid

by BRT @News | October 3, 2026

Photo: Courtesy Mark Mabasa & Senator Risa Hontiveros / FB
Umapela si Sen. Risa Hontiveros sa US immigration authorities na agad palayain si Mark Mabasa, anak ng yumaong broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa, na nakakulong sa California mula Setyembre 21.
Nasa Adelanto Immigration and Customs Enforcement Processing Center si Mark. Ayon sa pamilya, hindi pa malinaw kung bakit siya dinetine. Nakatakda siyang humarap sa immigration court sa Oktubre 2.
Sinabi ni Hontiveros na dapat tulungan ng gobyerno si Mark at ang pamilya Mabasa, na nag-apply ng asylum sa US matapos makatanggap ng mga death threat kasunod ng pagpaslang kay Percy Lapid noong 2022.
Nakipag-ugnayan na rin ang senadora sa mga opisyal ng Pilipinas at US kaugnay ng kaso. Samantala, nagsagawa na ng welfare visit ang Philippine Consulate sa Los Angeles kay Mark.





Comments