Honor daw siya sa La Salle… RESBAK NG NETIZENS: CARLA, SIMPLENG MAYABANG
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 11, 2022

Habang nagpe-prepare ang Kapuso actress na si Carla Abellana para sa isang Zoom meeting ay naisipan niyang mag-browse ng mga uploaded CCTV footages sa kanyang phone kapag siya ay lumalabas.
Isang video ang kanyang pinanood habang kumakanta siya ng Alma Mater ng De La Salle University kung saan doon siya nagtapos ng kolehiyo.
Caption ng aktres: "As I watched myself, I couldn't help but laugh and feel so embarrassed.
Mabuti na lang pala, ako pa lang ang nakakanood. I just remember feeling proud while singing so at that moment I didn't find it funny at all. Watching it took me back to my college days so I couldn't help but reminisce.
"For some crazy reason, I now decided to show all of you as well. Kaya sige, pagtawanan n'yo na rin ako kung gusto n'yo. Bahala na si Batman. Naisip ko, at least napatawa ko na naman kayo, 'di ba?
"And lastly, to my Alma Mater, De La Salle University-Manila, please don't take away my degree and Latin honor after this."
Sinabi rin niyang huwag na siyang tanungin kung bakit may CCTV sa kanyang room.
Komento ng mga netizens, "Akala ko Atenean siya, Lasallian pala."
"Ang gaan-gaan ng aura at vibes niya after nu'ng hiwalay na sila! As in her posts sa IG, good vibes lang at lalo siyang gumanda."
"Medyo humble bragging 'yung Latin honor mention niya... iba rin hitsura niya 'pag naka-side view."
"Eh, kung cum laude siya at maganda side view, eh, fact 'yun. Inggit pikit!"
"Hamburger talaga si ateng mo ever since."
"Ewan ko sa babaeng ito, parang laging may gustong patunayan. O, sige na, ikaw na!"





Comments