Home loans ng Pag-IBIG, lumobo ng higit P5 milyon
- BULGAR

- Oct 16, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | October 16, 2023

Tumaas ang bilang ng pondong ipinagkaloob ng Pag-IBIG na higit sa P5-milyong piso sa unang 9 na buwan ng taong ito.
Nagpalabas ng P88.3-bilyong pisong home loans ang korporasyon na mas tumaas kumpara sa nagdaang taon, 2022.
Ayon sa kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na si Rizalino Acuzar, ang Pag-IBIG ay merong halos 40% ng kabuuang home mortgages sa bansa sa kasalukuyan.
Umabot sa P3.4-bilyon ang nailabas bilang socialized home loans para sa benepisyo ng 8,216 miyembro ng Pag-IBIG Fund na kasapi sa sektor ng may minimum na sahod at limitado ang kinikita.




Comments