top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hollywood, mahirap abutin… JAMES AT LIZA, PAPASUKIN MUNA ANG KOREA

BULGAR
Jul 10, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 10, 2022




Marami ang nagtataka kung bakit sa isang Korean group ngayon nakikipag-negotiate si James Reid upang mabigyan ng break at exposure. Bale silang dalawa ni Liza Soberano ang susubok na maka-penetrate sa Korea dahil sikat na sikat sa buong mundo ang mga Korean stars.


Akala pa naman ng lahat ay ang Hollywood dream na pinapangarap ni Liza ang kanilang sisikapin na maabot.


Well, hindi ganu'n kadali ang makapasok at mabigyan ng break sa Hollywood. Kahit na nga ang pinakasikat nating artista ay hindi basta-basta mabibigyan ng puwang sa Hollywood.


Maraming magagaling na Asian stars ang kakumpitensiya at kahit pa mga beauty queens ay hindi agad nabibigyan ng exposure sa mga Hollywood movies.


Wala namang masama kung mag-ambisyon na mabigyan ng break sa Hollywood. Pero sina Liza Soberano at James Reid ay hindi naman masasabing big stars dito sa 'Pinas. Kaya, malaking pressure ito para kay Liza. Maraming nag-aabang kung papasa siya sa Hollywood. Ito ang dahilan kaya iniwanan niya ang dati niyang manager na si Ogie Diaz!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page