Holding hands sa video… KYLIE, KASAMA SA THAILAND ANG IPINALIT KAY ALJUR
ni Nitz Miralles @Bida | January 3, 2023

Naka-off ang comment box ng Instagram ni Kylie Padilla sa dalawang posts ng Thailand vacation nila ng kanyang kasama. Ang mababasa lang ay ang caption niya sa photo na “Wandering with another fellow wanderer,” kung saan makikita ang kanyang kasama.
Sa second photo na in-off niya ang comment box, may caption na: “All there is, is gratitude.”
Hindi ipinakita ni Kylie ang buong mukha ng kanyang kasama at hindi rin binanggit ang pangalan.

Pero, sabi ng mga netizens, ang rumored boyfriend daw ni Kylie ang kanyang kasama sa Thailand at parang totoo nga dahil may video na magka-holding hands sila.
Masaya ang mga fans ni Kylie kung totoong may kapalit na si Aljur Abrenica sa puso niya at kung jowa reveal nga ang nangyari sa bakasyon nila sa Thailand, waiting sila sa name reveal ng guy.
Deserve raw ni Kylie ang maging happy at kung sa guy na owner pala ng tattoo shop siya sasaya, so be it. Umaasa lang ang mga fans ni Kylie na hindi dumami ang kanyang tattoo, lalo’t libre siya.





Comments