Holding hands in public… KIKO, BEAUTY QUEEN ANG IPINALIT KAY HEAVEN
ni Nitz Miralles - @Bida | August 13, 2022

Ang pretty-pretty ni Janelle Lewis, ang sinasabing idine-date ni Kiko Estrada, pero feeling namin, magsyota na sila dahil sa red carpet premiere ng Maid in Malacañang, nakita naming magka-holding hands sila. Marami lang tao kaya hindi napansin na habang naglalakad, magka-holding hands sina Kiko at Janelle.
Si Janelle ay 2nd Princess sa 2021 Miss World Philippines, beautiful at tingin namin, kamukha ni Megan Young.
Sa interview kay Janelle last February, inamin nitong "dating" sila ni Kiko. July ‘yung red carpet premiere, siguro naman, in a relationship na sila ngayon.
Bago pa ma-bash, nilinaw ni Janelle na na-involved siya kay Kiko after ng breakup nina Kiko at Heaven Peralejo. “I came into the picture a few months after,” sabi nito.
Sandali lang naming nakausap si Kiko sa mediacon ng MiM at nabanggit na may tatlong pelikula pa siyang ginagawa. Wala raw siyang time sa intriga at focus siya sa work at sigurado, kay Janelle.





Comments