top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Hiyang-hiya raw… ARCI, TODO-DENY NA BF ANG PAMANGKIN NI JINKEE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2023
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 23, 2023




Nalungkot si Arci Muñoz na hanggang ngayon ay inili-link pa rin siya sa isa sa mga pamangkin ni Jinkee Pacquiao na si Seth Jamora.


Si Seth ang natsismis na bagong boyfriend ni Arci last year. Spotted kasi ang aktres na kasama si Seth in some occasions at kasama rito ang pagba-bonding niya kasama ang pamilya nina Jinkee last December, 2022.


For the nth time, itinanggi ni Arci na may relasyon sila ni Seth. Magkaibigan lang daw sila at ang pamilya nito.


Nahihiya tuloy si Arci sa pamilya ni Seth sa patuloy na pagli-link sa kanila. Nagtataka rin siya kung bakit hindi matigil ang pagkakaugnay sa kanya kay Seth.


Nakausap namin si Arci sa story conference ng kanyang dream project, ang Jeje Vu under NDM Studios sa direksiyon ni Njel de Mesa.


Ang huling nakarelasyon ni Arci ay ang businessman na si Anthony Ng. Nagkahiwalay sila noong 2019.


After that, wala pa raw talaga siyang nakarelasyon. Hindi naman daw siya naghahanap o naghihintay ng bagong boyfriend. Hinahayaan na lang daw niya na si Lord ang magbigay sa kanya ng bagong mamahalin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page