HIWALAYAN NILA NI JULIA, NAKABUTI KAY JOSHUA
- BULGAR
- Apr 11, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 11, 2023

Nakabuti sa career ni Joshua Garcia ang paghihiwalay nila noon ni Julia Barretto na ilang taon din niyang naging karelasyon.
Sobrang minahal ni Joshua ang dating kasintahan na si Julia kaya naging masakit para sa kanya na nauwi ang relasyon nila sa hiwalayan. Siguro nga ay hindi lang talaga sila itinadhana para sa isa't isa.
Ibinuhos na lang ni Joshua ang atensiyon at panahon niya sa kanyang showbiz career at ito nga ang nagsilbing therapy niya upang mapadali ang kanyang pagmu-move on.
Natutuwa rin ang mga direktor at mga kasamahang artista ni Joshua sa nakikita nilang tatag at determinasyon ng aktor.

Magaling na aktor si Joshua at may lalim ang pag-arte nito. Nakatulong nang malaki sa kanya ang mga kabiguan niya sa pag-ibig at mga pinagdaanang pagsubok sa buhay.
Ngayon nga ay nabibigyan na niya ng buhay ang mga characters na kanyang ginagampanan.
May upcoming series ngayon si Joshua Garcia kasama sina Jodi Santamaria, Richard Yap at Gabbi Garcia, ang Unbreak My Heart. Ang mga eksena sa nasabing series ay kinunan pa abroad.
Tama lang na hindi nag-stick si Joshua sa pakikipag-love team dahil mas maraming opportunities ang dumating sa kanyang buhay.





Comments