HIWALAYAN ISYU NILA NI ANGEL, KASALANAN NI NEIL KAYA KUMALAT
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 27, 2022

May finlex si Neil Arce sa kanyang Instagram account na early Christmas gift umano ng asawang si Angel Locsin. Pagpapatunay ito na fake news nga ang naglalabasang hiwalay na umano ang celebrity couple.
Isang golf cart ang iniregalo ng actress sa mister na businessman-producer.
Komento ng isang netizen, "Ahhh, gusto lang palang mapag-usapan."
Pagtatanggol ng isa, "How? Ehhh, hindi nga nagpo-post. Kung papansin, eh, di dapat, post nang post."
"Kapag 'di nagpo-post, hinahanap. 'Pag nag-post, gustong pag-usapan??? Hay!!!"
Reaksiyon naman ng isang netizen sa golf cart na gift ng aktres, "Hmmm if I am not mistaken, this was the birthday gift Angel gave to him early this year, so either this is old or she gifted him another one?"
"Para sa mga nagpapakalat ng fake news 'yan."
Ayon naman sa isa nilang follower, "Nagbabalik-alindog lang naman kasi ata talaga siya.
Honestly, I was one of the 1st few fans to ask Neil sa IG niya asan si Angel. He didn't reply but he posted an IGS of a complete gym setup sa house nila. So I took it as a response na nagbabalik-alindog nga si Angel kaya nagulat na lang ako, ang dami nang nagtatanong sa IG niya if hiwalay na ba sila and then nag-blow-up na sa mga fake news peddlers na mga YouTubers."
"Talaga, ginawa ni Neil 'yun to respond to you."
"Kung si Neil ang may kasalanan, dapat si Neil ang may pa-damage control at magregalo kay Angel, not the other way around."
"Bongga ng gift! Madaming ipon si Angel. Good for her."
"She has multiple businesses, 'di niya lang pine-flex."
"Feeling ko, 'pag lumabas na ulit si Angel, back to her old sexy body na siya. Para, boom, surprise! Miss n'yo 'ko? Hehe!"
Sadyang ayaw maniwala ng netizen na bago ang golf cart na regalo ng aktres.
"Parang matagal na gift niya na 'yan, if I’m not mistaken? Nasa vlog na 'yan, eh. Throwback ba itey? Confused Marites here."
"Parang throwback nga unless Angel gave him a new one. And unless he’s collecting golf cart."
"Google is key, guyssss. 2019 'yung first golf cart and definitely looks different from this one.
'Yung una, simple front lang, ito, iba ang "hood". I don't know what it's called. Ito, may pailaw pa."





Comments