Hiwalayan, gimik lang daw para pag-usapan… CRISTINE, WALA PANG 1 WEEK, NAG-FOLLOW NA ULI SA IG NI MARCO
- BULGAR

- Apr 28
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 28, 2025
Photo: Cristine Reyes at Marco Gumabao - IG
Tila pinaglalaruan lang naman nina Cristine Reyes at Marco Gumabao ang mga Marites.
Imagine, wala pang isang linggo ang un-follow-han nila sa social media, heto at naka-follow na raw uli si Cristine Reyes sa Instagram ng dyowang aktor na si Marco Gumabao.
Ganyan din ang nangyari sa last na napabalitang hiwalay na sila, ‘yun pala, hindi naman totoo.
Feeling tuloy ng mga netizens ay gimik lang ito ng celebrity couple dahil mukhang nawawalan na sila ng espasyo sa showbiz, kaya gumawa sila ng kanilang eksena para raw mapag-usapan.
Totoo namang napag-usapan. Katunayan, na-headline pa nga ang celebrity couple.
Komento ng mga netizens, “Tagal naman mag-follow back ni Marco.”
“S’ya na nag-adjust para ‘di na mag-overthink ‘yung mga Marites. Hehehe!”
“Para sa kampanya lang ‘yung pag-unfollow.”
“Grabe na siguro tawa nilang dalawa ngayon. Mga netizens, overacting. What if nantitrip lang sila? Hahahaha!”
“Para sa politics, gagawin nilang magmukhang eng-eng (tanga). Akala, ikakapanalo n’ya ‘yan, LOL (laugh out loud).”
Sey naman ng isang commenter, “Wala! Hindi kaya... Marupok…” na tila patungkol sa aktres.
“Ginawa nang sugar mommy si girl, binilhan pa ng Rolex ‘yan.”
“Gawa ng issue bago mag-eleksiyon para may name recall.”
“Okey. Gets.”
“Sabi na, papansin lang sila gaya noon.”
INIHAYAG ni Kylie Padilla kung gaano kaimportante sa kanya ang trust.
Sa kanyang Instagram (IG) account, ibinahagi niya ang ilang snaps na kuha sa tila workshop ng mga kasamahan niyang aktor at aktres.
Aniya sa caption: “One thing I know is that trust is huge for me onset and that’s why building that trust before the show on any project for that matter is crucial for me. I can’t wait to start. Today was profound.”
Ang project na tinutukoy ng Kapuso actress ay ang My Father’s Wife (MFW) kung saan ang role na kanyang gagampanan ay isang anak.
Pinrangka na ni Alex…
YASSI, TODO-DENY NA NAGPARETOKE NG ILONG
IPINAGDIDIINAN ni Yassi Pressman na hindi siya nagparetoke. Ang laki raw kasi ng ipinagbago ng kanyang mukha and besides, grabe raw nitong payat.
“Malaki ang ipinayat ko,” aniya.
Sa latest vlog na ibinahagi ni Alex Gonzaga kung saan guest si Yassi ay nausisa ito kung may katotohanan ba ang mga naglalabasang isyu tungkol sa kanya.
“Yassi, trending ka ngayon sa TikTok, pati sa Facebook (FB). Maraming hindi nakakakilala sa ‘yo… May ipinagawa ka na ba sa mukha mo? Ano ‘yan?” ang diretsang tanong ni Alex.
Agad niyang sagot, “Wala [akong ipinagawa].”
Tanong uli ni Alex, “Bakit marami ang nagsasabing may nagbago sa iyong mukha?”
“Hindi ko alam. Honestly, tine-take ko siya na sobrang malaking compliment,” sambit ni Yassi.
Kuwento niya, nagsimula raw ang pag-iba ng kanyang hitsura sa appearance niya sa Sinulog Festival sa Cebu.
At binago na rin niya ang looks niya sa movie na kanyang ginagawa.
“Ang laki ng ipinayat ko. Nagbago ako ng hairstyle. Nag-prepare talaga ako for this movie. Gusto ko ‘yung hitsura n’ya, talagang iba, tapos payat, tapos [dahil] horror, kailangan palagi kang stressed. Ayoko ‘yung look ko dati na masaya, na bubbly,” lahad pa ni Yassi.
Hindi pa rin siya tinigilan ni Alex at inusisa kung gawa ba ang kanyang ilong.
“Wala! Totoo ‘yung ilong ko,” sey pa ni Yassi.
Sabagay, maging kami man ay nanibago sa bagong looks ni Yassi.
Sa isang TVC kung saan may ineendorso siyang isang partylist ay hindi rin naman namukhaan ang TV host-actress.
Feeling nga namin ay si Kathryn Bernardo dahil ang laki ng hawig.
Pero, nagtataka kami dahil maputi ang nasa screen, and besides, habang nagsasalita ay ang boses ni Yassi Pressman ang aming naririnig.
Saka lang sumagi sa isip namin na si Yassi ang girl dahil ang ineendorso niya ay Bicol partylist, eh, ‘di ba, ang boyfriend niya ay gobernador ng CamSur na si Luigi Villafuerte?
‘Yun lang po, analisa lang po ng inyong lingkod.










Comments