CHARIZ, PROUD NA NAKA-16 BOYFRIENDS
- BULGAR

- 7 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | August 19, 2026

Photo: IG _chariz_solomon
Masayang kuwentuhan ang naging ganap sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang maging guest ang aktres-TV host na si Chariz Solomon.
Sa panayam, may ilang personal questions si Boy Abunda kay Chariz. Sa bawat tanong, kailangang pumili si Chariz sa pagitan ng “Check!” na nangangahulugang tama, at “Chariz!” na ibig sabihin naman ay mali.
Isa sa mga tanong ni Boy ay “Nagkaroon ka ng 13 boyfriends bago nag-asawa? Check o Chariz?”
“Chariz! Kasi 16 po!” mabilis na sagot ni Chariz, na ikinatawa naman ni Boy.
“‘Di 13? Sixteen?” tanong muli ng King of Talk.
Ipinaliwanag ni Chariz na nagmula sa isang naging usapan sa Your Honor ang bilang na 13.
“‘Di, Tito. Ganito kasi ‘yan. Sa Your Honor, parang natanong namin ‘yung isang guest kung ilan ang naging dyowa n’ya. So ‘di ba, Tito Boy, naibahagi mo sa amin ‘yan nu’ng kami ay iniupo mo ni Buboy na sometimes sa podcast, magse-share ka rin ng sa ‘yo para ipakita rin nila ‘yung kanila,” kuwento ni Chariz.
Dagdag pa niya, mahilig din siyang magbahagi ng personal na kuwento lalo na kapag kaibigan niya ang kanyang guest.
“‘Di naman sa strategy, pero I love sharing din naman, especially ‘pag kaibigan mo ‘yung guest. So, ‘yung nabilang ko na 13, parang high school pa lang ako nu’n. Hahaha!” ani Chariz.
Natawa naman si Boy at nagtanong “So, nu’ng nag-college na, nadagdagan?”
“Parang oo. Oo, Tito Boy. Oo. Pero eme lang,” sagot ni Chariz.
Hindi naman pinalampas ni Boy ang pagkakataong linawin kung gaano kaseryoso ang mga naging relasyon ni Chariz.
“Pero gaano kaseryoso ‘yung mga boyfriend-boyfriend?” tanong niya.
Ayon kay Chariz, hindi lahat ng kanyang naging ‘boyfriend’ ay seryosong relasyon.
“‘Di, mga ano ‘yun. Alam mo ‘yung mga puppy love? S’yempre, kinount ko na rin du’n, ‘di ba? Kung ayaw nila, siguro, mga 13,” pabirong paliwanag niya.
Muli namang nagtanong si Boy, “Pero halimbawa, kung sa 13 o 16 na ‘yan, mayroon kang iniyakan?”
“Oo, meron din. Meron po. S’yempre, ‘yung ano, ‘yung aking ex-husband,” diretsahang sagot ni Chariz.
Sa panayam, napag-usapan din nina Boy at Chariz ang tungkol sa pagpapakasal ng aktres sa kanyang boyfriend na negosyanteng si Vince Teotico.
“Magpapakasal ka na raw sa iyong fiancé na si Vince Teotico this year. Check o Chariz?” tanong ni Boy.
“Chariz,” pabirong sagot ni Chariz.
“Talaga?” tanong muli ni Boy.
“Nag-propose na s’ya sa ‘kin. ‘Di ko lang suot ‘yung singsing ngayon. Walang issue, ha!
Nakalimutan ko lang talaga,” paglilinaw ni Chariz.
Ibinahagi rin ni Chariz na proud at masaya siya sa ginawang proposal ni Vince.
“Wow! May nag-propose sa akin ulit? Nakakatuwa naman na ibinigay n’ya sa ‘yo ‘yun, na gusto n’yang ibigay sa ‘yo ‘yung buong buhay n’ya, ‘di ba?” ani Chariz.
Gayunman, sinabi niyang hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal.
“Pero ‘di talaga namin napag-uusapan pa ‘yung kasal,” ani Chariz.
Well, hindi na nakapagtataka na may mag-propose ng kasal kay Chariz dahil sa taglay niyang alindog, ‘di ba, madlang people?
Sobrang blessed daw sa misis…
ZOREN, REYNA ANG TURING KAY CARMINA
FIFTY-ONE years old na si Carmina Villarroel nu’ng August 17.
May sweet message para sa kanya ang mister niyang si Zoren Legaspi na ipinost nito sa Instagram (IG).
Ani Zoren, “Happy Birthday, @mina_villarroel.
“Our queen, and truly the heart of this family. You bring so much love, warmth, and happiness into our lives, and we are so blessed to have you.
“I love you, and we all love you more than words can say.
“@MavyLegaspi @Cassy, thank you for being part of this beautiful family and for making every moment even more meaningful.
“Happy birthday, our queen. We love you always.”
Belated happy birthday, Carmina Villarroel-Legaspi!
‘Yun lang, and I thank you.





Comments