top of page
Search
  • BULGAR

Hiwalay na sa padir ng anak… POKWANG, INAMIN ANG INSPIRASYON

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 12, 2022




Kinumpirma na mismo ni Pokwang ang hiwalayan nila ng American actor na si Lee O’Brian.


Sa Instagram post ng komedyana last Sunday, inamin niyang 7 months na silang hiwalay ng ama ng kanyang anak na si Malia pero maayos at mapayapa raw ang kanilang hiwalayan.


“Yes it's been seven months since tapusin namin ni Papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang, mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia. Natapos man ito sa 'di inaasahang panahon, hindi rito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. At mas lalo kong minahal ang mga biyayang sa 'kin ay ibinigay ng Panginoon,” pahayag ni Pokwang.


Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa namayapang inang si Gloria Subong na naging inspirasyon niya sa pagiging isang matatag na ina.


“Ikaw aking Nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay. Salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailanman, 'di ka mawawaglit sa 'king mga dasal,” aniya.


Nagbigay din ng mensahe si Pokwang sa mga single moms na katulad niya at sinabing hindi karma kung nahihiwalay man sa isang karelasyon. Ito ay bilang sagot na rin sa isang basher na nagsabing nakarma siya.


“Sa mga single parent na kagaya ko, hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya, hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sa 'yo araw-araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay,” mensahe ni Pokwang.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page