Hiwalay na raw talaga… KIM, NAINIP NA 12 YRS. NA SILA NI XIAN, NEVER INALOK NG KASAL
- BULGAR
- Dec 13, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 13, 2023

Magsasalita na rin daw one of these days si Kim Chiu hinggil sa rumored breakup nila ni Xian Lim. Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog na aniya ay ayon daw sa kanyang source.
“Isa sa mga araw na ito ay magsasalita na rin finally si Kim Chiu. Kaya huwag nating pangunahan,” sey ni Ogie.
Ayon pa sa talent manager/vlogger, sinabi rin daw sa kanya ng friend niyang source niya na friend din ng KimXi na totoong hiwalay na ang dalawa.
“A friend of mine and a friend of Xian and Kim Chiu told me na totoong hiwalay na si Kim Chiu at si Xian Lim. Hindi lang maamin ni Kim Chiu kasi nga pinoproseso pa ni Kim Chiu.
“At si Xian Lim, hindi mo rin siya maaasahan siyempre na magkomento or magbigay ng kanyang statement tungkol dito,” sabi ni Ogie.
Sa tanong kung gaano na katagal na hiwalay ang dalawa, aniya ay nauna lang daw nang kaunti sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
“Ang pagkakaalam ng friend ko ay nauna ang KathNiel bago sila. Siguro, mga 2 months na,” aniya.
Ayon pa raw sa kanyang source ay wala namang third party sa hiwalayan.
“Sabi sa akin ng friend ko, wala naman daw 3rd party. It’s just that, parang walang mga plano si Xian sa kanilang 12 years na relationship. Parang hindi niya priority. Parang naghihintay lang si Kim Chiu ng proposal. Dahil 12 years na sila, eh,” pagbabalita pa ni Ogie.
“At ang sabi sa akin ng aking source ay ang It’s Showtime ang isa sa mga dahilan kung bakit kaya pa ring ngumiti ni Kim Chiu. Kasi nga, bawal ang malungkot sa Showtime,” aniya pa.
Ikinuwento rin daw sa kanya ng friend niya na sobrang magmahal si Kim at totoo raw na ibinibigay lahat ng aktres kapag nagmamahal.
Hintayin na lang daw natin ang pagsasalita ni Kim at sey ni Ogie, sana raw ay hindi totoo.
Kaya abang-abang na, KimXi fans.





Comments