top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Hiwalay na kay Edu? CHERRY PIE, KUMANTA SA NAGPAPASAYA SA KANYA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 7, 2023




Natitigilan si Cherry Pie Picache sa tuwing natatanong ang estado ng relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Edu Manzano ng members of the entertainment media sa Batang Quiapo mediacon last Thursday.


Diretsahan naming tinanong si Cherry Pie kung bakit patuloy pa rin ang balitang hiwalay na sila ni Edu.


“Bakit ba? Hindi ko alam,” kasunod ang birong-seryoso na tangkang pag-alis ng aktres sa harap ng ilang showbiz writers na kasabay naming nag-iinterbyu sa kanya.


May mga nagtataka kasi na followers nila ni Edu sa social media kung bakit bihira na silang mag-post ng mga ganap nila sa buhay nang magkasama especially ang PieDu fans nila.


“Ay, buhay na buhay sila. Nagpapasalamat ako sa lahat ng PieDu World, ‘yung ganoon.


Sobrang active sila. Kahit si Neo (anak ni Cherry Pie), sobrang sinusuportahan nila,” pahayag ng aktres.


Affected ba ang PieDu sa balitang hiwalayan nila ni Edu?


“Wala naman,” sagot niya. “Kasi parang I think they appreciate us individually. He’s busy, ‘di ba? He’s doing Call Me Agent, ‘yung ganu'n. Tapos, ako rin naman, may Batang Quiapo.”


Masaya ba siya sa buhay niya ngayon?


“Masaya ako sa buhay ko. Sobra!”


Isa sa mga nagpapasaya kay Cherry Pie ay ang pagtatrabaho sa Batang Quiapo.


“Ang saya ng grupo, eh. 'Di ba as an actor, lalo na ako, matagal na ako sa industriya, may comfort zone ka, eh. Inaamin naman namin ‘yun, eh.


“Nanay, ilang beses ko nang nagawa ‘yun. Pero may nata-tap na iba. Tapos, talagang dapat on your toes ka.


“Saka, ‘di ba, you work hard. We work hard. So, wala ring puwang para magreklamo. Kasi, amongst us, ang pinakanagtatrabaho ng — honestly, hindi ito, I’m not saying this dahil sumisipsip, I don’t wanna make it sound that way, eh — pero kung merong isang pagod dito, si Coco ‘yun. ‘Yun talagang… grabe. So, paano ka mapapagod?


“I’m not getting any younger. Siyempre, Pagoda Philippines na rin ako. Pero dapat, bright pa rin ang outlook. Thankful pa rin that you are tired. Kasi, ‘pag tiningnan mo siya (Coco), magrereklamo ba ako, eh, siya ‘di ba, todo,” paliwanag ni Cherry Pie.


And then, she was asked bilang nanay-nanayan ni Coco Martin kung wish ba niya na mag-settle down na rin ang bida, director at producer ng Batang Quiapo.


“Totoo ‘yung sinabi ko, ha, ‘yung bilang anak ko siya, I’m so proud bilang nanay-nanayan niya of how he turned out to be and how he's still growing up and becoming the man of what he is now both in and out of the industry,” esplika niya.


Hindi raw siya nagbibigay ng payo kay Coco pagdating sa love life. Katwiran ni Cherry Pie, malaki na si Coco.


And what about her? Kailan kaya magpapakasal si Cherry Pie?


“Hindi ko siya priority. But I guess it would be nice. Pero kung hindi man din, let His will be done. Kung ano ‘yung plano Niya for me.”


Samantala, kung ang character ni Cherry Pie ang tatanungin sa magaganap na pagtatagpo nina Christopher de Leon at Coco sa Batang Quiapo, ayaw pa niyang mangyari. Kasi nga, muling magbabalik ang mga alaala ng 'di magandang pangyayari sa buhay ng karakter ni Cherry Pie sa Batang Quiapo na si Tessie.


Abangan ang mga pagbabagong magaganap sa Batang Quiapo sa panibagong yugto ng hit aksiyon-serye simula sa Lunes, May 8.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page