Hiwalay na kay Aljur… KYLIE, NA-TRAUMA NA SA LALAKI, AYAW NANG MAGKAANAK
- BULGAR
- Nov 2, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 2, 2022

Sa Instagram Stories ni Kylie Padilla, sinagot niya ang tanong ng kanyang follower na: “Do you have someone right now?”
As far as Kylie's concerned, hindi niya priority ang maghanap ng lalaking magmamahal sa kanya.
Sagot niya sa nagtanong, “Honestly, not looking. I think love comes when you don’t seek it out.
Kapagod na kasi 'yung palagi na lang nauuwi sa hiwalayan. I think I’m not up for it again."
Though inamin niyang she has started dating since around after ng breakup nila ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica, her latest answer in her Instagram stories shows she's not ready yet to enter a new relationship.
May nagtanong din kung ready na ba siyang magka-baby uli in the future na girl naman dahil may 2 boys na siya.
“Sometimes, but I think I’m done making kids,” sey ng Kapuso actress.
Natsismis nang buntis si Kylie last August kay Gerald Anderson nang magkasama sila nang ilang buwan sa Swirtzerland dahil sa pelikulang ginagawa.
Idinenay naman niya agad ito nang bumalik sila sa bansa. Magkaibigan lang daw sila ni Gerald.
“Just to be clear. NONE OF IT IS TRUE. I’m not pregnant and I’m not dating anyone in the industry. This is the last time I am speaking on this,” aniya sa isang mediacon.
Dalawa ang anak ni Kylie kay Aljur — sina Axl Romeo at Alas Joaquin. Co-parenting sila ni Aljur sa mga bata.





Comments