top of page

Hitters at Spikers wagi kontra Gerflor at Foxies

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2023
  • 2 min read

ni GA @Sports | November 5, 2023



ree

Mga laro sa Martes

(Philsports Arena)

2 n.h. – NXLed vs Choco Mucho

4 n.h. – Farm Fresh vs F2 Logistics

6 n.g. – Galeries vs Cignal


Parehong nagtala ng panalo ang mag-utol na PLDT High Speed Hitters at Cignal HD Spikers nang kapwa talunin ang mga katunggaling Quezon City Gerflor Defenders sa straight set 25-8, 25-9, 25-17 sa ikalawang laro at Farm Fresh Foxies sa 25-23, 23-25, 25-20, 25-17 sa unang laro ng triple-header matches kahapon sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sobrang linaw ng koneksyon at serbisyo ang ipinakita ng PLDT High Speed Hitters upang itala ang kanilang ika-apat na sunod na panalo mula sa mahusay na pamumuno ni ace playmaker Rhea Dimaculangan nang mamahagi ito ng kabuuang 18 excellent sets kasama ang 3 puntos mula lahat sa service aces upang balanseng mabigyan ng puntos ang mga kakampi na pinangunahan ni Jules Samonte sa 10pts mula sa pitong atake at tatlong aces, habang parehong tala rin ang nairehistro ni Rachel Anne Austero sa 10pts, habang pansamantalang nagbigay-daan sa scoring si Filipino-Canadian Savannah Davision sa 9 puntos mula sa 7 atake at limang excellent receptions.

Regardless naman kung sino yung kalaro, basta nako-control namin, para lang ma-manage yung minutes ng starters, alam naman nila 'yung sa training, alam namang kayang gawin at nagperform,” pahayag ni PLDT head coach Rald Ricafort.

Walang manlalarong umabot sa double-digit para sa Gerflor na pinagsosyohan sa tig-apat na puntos nina Danika Gendrauli, Jeanette Villareal at Mary Grace Berte.

Nagbunga ang paghihirap sa pagsasanay ni Ria Meneses upang maging isa sa sinandalan ng Cignal ng humambalos ang 6-foot-1 middle blocker ng 16 puntos mula sa 13 atake, 2 blocks at isang ace para madala sa 3-2 kartada ang Cignal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page