HIRIT NI VICE: ANGELINE, NAGGE-GUEST LANG SA ITS SHOWTIME PARA MAG-PROMOTE
ni Ambet Nabus @Let's See | October 04, 2023

Kung hindi naman natin kilala ang klase ng friendship nina Vice Ganda at Angeline Quinto ay posibleng sabihin nating grabe namang manlait itong si Meme.
Matagal kasing nawala bilang hurado si Angge sa Tawag ng Tanghalan at nitong bumalik siya ay inokray-okray siya ni Vice. Na kesyo nandu’n lang si Angge dahil may mga shows ito abroad na ipino-promote.
"Naku, subukan mo, after ng shows niyan, hindi na ‘yan uli magpaparamdam dito," ang ganting spiel ni Vice every time na nagpo-promote ng shows niya si Angge.
May series of shows kasi ang magaling na singer sa USA this November.
Pero para sa ibang madlang pipol ay half meant ang joke ng It's Showtime host sa singer friend.
Aguy, uy!





Comments