Hirit ni U.S. Pres. Trump na dinaya siya ni Joe Biden, patawa lang!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 7, 2020
PARANG SINABI NI ROQUE NA MAY UTANG NA LOOB ANG MAMAMAYAN SA MGA GOV’T. OFFICIALS NA PUMAPASOK TUWING LINGGO—Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, kahit wala si P-Duterte sa gov’t. briefing tungkol sa pananalasa ng typhoon “Rolly” ay kahit araw ‘yun ng Linggo ay dumalo naman ang mga miyembro ng Gabinete at pinag-usapan ang paghahanda at response ng gobyerno sa mga masasalanta ng bagyo.
Ano’ng gustong palabasin ni Roque sa statement niya, na utang na loob pa ng mamamayan na noong nananalasa ang bagyong “Rolly” ay kahit Linggo ito ay pumasok pa sa trabaho ang mga gov’t officials? Pwe!
◘◘◘
USO NA RIN SA AMERIKA NA ANG NATATALO, DINAYA RAW—Matapos malamangan ng malaking boto, ang sabi ni United States (US) Pres. Donald Trump ay dinaya siya ng kanyang katunggali na si Joe Biden.
Parang pulitikong Pinoy na rin ang mga pulitikong ‘Kano kasi uso na rin sa ‘Tate na ‘yung mga natatalo ay nagsasabing dinaya sila, boom!
◘◘◘
MAPAMINSALANG BAGYO, HINDI DAPAT GAWING JOKE—Sa kalagitnaan ng pakikipagpulong ni P-Duterte sa mga miyembro ng Gabinete na may kaugnayan sa mga lugar na nasalanta ng typhoon “Rolly” ay nagbiro ang Pangulo na sa susunod na may papasok na bagyo sa bansa, ang dapat ipangalan ng Pagasa ay “yellow” (dilawan).
Sablay ang joke ni P-Duterte kasi hindi dapat ginagawang biro ang mapaminsalang bagyo na sumasalanta sa buhay, bahay at kabuhayan ng mamamayan, period!





Comments