top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hirit ni Sinas, kalimutan na ang kontrobersiyal niyang mañanita, walang ganu’n!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 13, 2020



Naupo na ang bagong PNP chief na si Gen. Debold Sinas.


Sinalubong siya ng napakalaking baha na ala-“Ondoy”.


Nasaan siya sa katindihan ng baha sa Marikina?


◘◘◘


Nakiusap si Gen. Sinas na isarado na ang isyu sa Mañanita sa kanyang bertdey.


Oo nga naman.


Pero, ereng pakikialam niya sa pinalayas na pamilya sa tinitirhan sa bisinidad ng Fort Bonifacio, isasarado na rin?


◘◘◘


Malinaw ang opinyon ng publiko: Ala-typhoon “Ulysses” ang lakas ni Sinas kay P-Digong.


Nakakabilib!


◘◘◘


Sa totoo lang, matagal nang ipinoporma ni P-Digong si Sinas bilang hepe ng PNP.


In fairness, naniniwala ang Malacañang na mas epektib si Sinas sa kampanya laban sa droga at kampanya laban sa CPP-NPA-NDF.


Igalang natin ang kursunada ni P-Digong!


◘◘◘


Dapat nating maunawaan na nananatiling prayoridad ni P-Digong ang paglaban sa droga at maging sa mga rebeldeng komunista at umaasa siyang magagampanan ni Sinas ang maselang trabaho hinggil dito.


Ibig sabihin, preparado si Sinas kontra illegal drugs at kontra komunismo!


◘◘◘


Masasabay ang pag-upo ni Sinas sa pag-upo ni U.S. President-elect Joe Biden.


Inaasahang hihigpitan ng U.S. government ang Malacañang sa sinasabing paglabag sa human rights o pagpapatupad ng “extra-judicial approach”!


◘◘◘


Malinaw na kapag nagkalat ang kaso tungkol sa mga hindi maipaliwanag na pagkawala o pagkamatay ng mga drug suspects at “kadre”, walang duda na manghihimasok ang US.


‘Yan ay malaking sakit ng ulo ni P-Digong!


◘◘◘


Kung magiging epektibo si Sinas kontra droga at komunismo, dapat ayusin niya ang proseso.


Ibig sabihin, hindi pupuwede ang “bara-bara” o garapalang pagpapatumba sa kalaban ng gobyerno.


Dapat igalang ang proseso ng batas o igalang ang karapatan bilang “tao” ng mga suspek!


◘◘◘


Kung malinis na magagawa ni Sinas ang prayoridad ni P-Digong, aba’y walang masama.

D’yan natin makikita kung talagang epektib siyang hepe ng PNP!


◘◘◘


Pero kapag hindi iginalang ni Sinas ang proseso—tulad sa mañanita at pagpapalayas sa tenant sa Fort Bonifacio—maipapahamak niya nang hindi sinasadya ang Malacañang.


Ibig sabihin, kung nagkamali siya at umabuso sa kanyang birthday at pagpapalayas nang walang proseso sa tenant, hindi na niya ito dapat ulitin!


◘◘◘


Anim na buwan lamang mauupo si Sinas bilang hepe ng PNP kung hindi ie-extend ni P-Digong ang kanyang termino.


Dapat siyang bumawi sa kanyang atraso at tulungan niya si P-Digong na maipatupad ang pangakong susugpuin ang illegal drugs at insureksiyon ng CPP-NPA!


◘◘◘


Sa totoo lang, maselan ang hamon kay Sinas.


Dapat niyang mapanatili ang magandang datos kung saan bumaba ang bilang ng kriminalidad sa bansa!


◘◘◘


Mauupo si Sinas pero dapat niyang maresolba ang dalawang malaking kaso ng murder at homicide.


Isa rito ang pagpatay sa journalist sa Pangasinan at pagpatay sa huwes mismo sa Manila RTC!


◘◘◘


Masasabay dito ang malawakang rescue and relief operation sa mga biktima ng malaking bahay dulot ng bagong Ulysees.


Responsilidad ng PNP, hindi lamang ang labanan ang kriminalidad, bagkus ay makasaklolo nang mabilisan sa mga biktima ng kalamidad!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page