Hirit ni Sharon, wa' na ring sustento… KIKO KAY KC: 'PAG UMALIS KA NG BAHAY, 'DI KA NA MAKAKABALIK!
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 07, 2022

KC Concepcion has been living on her own sa Los Angeles, California, USA since last year. Umalis siya sa 'Pinas nang mag-isa noong June, 2021 and since then ay doon na nga ito nanirahan.
Sa panayam sa dalaga sa vlog na Over a Glass or Two, ibinahagi niya na kahit mag-isa siya ay happy naman daw siya. Super busy daw talaga siya sa US at isa nga sa mga pinagkaabalahan niya ay ang kanyang negosyo. Sobrang happy siya na doing well naman ito.
“I don’t wanna take anything for granted especially in these times. Everyone is working and trying to make their lives better in so many ways,” sey ni KC.
Aminado naman ang dalaga na may mga failures din siya.
“Minsan, nagpe-fail din tayo. Minsan, 'di ba, parang may mga pagkakamali ka na ‘Oh, I could have done that better’ or ‘I could have avoided this’ or ‘Mali ‘tong ginawa ko’ or ‘Wow, nairaos ‘yung ganito, ganyan,’” aniya.
At thankful siya sa mga taong no matter what ay laging nandiyan para suportahan siya.
“And the people who are there to support you, parang ‘yun ‘yung sobrang nakaka-smile sa akin.
‘Yung parang nakakaintindi ng sitwasyon mo na you know, I’m on my own, wala akong allowance sa parents ko,” pagbabahagi niya.
Sinabihan daw siya ng mommy niyang si Sharon Cuneta at stepdad na si Sen. Francis Pangilinan na kapag umalis siya ng bahay ay on her own na siya.
“'Yung training sa akin ng mom ko is ‘Make it on your own.’ My stepdad said, ‘The moment you leave the house, there’s no turning back. That’s it. You have to make it. Are you sure, you wanna live on your own?’ sabi niya, ‘because you’re not coming back. That’s the rule. You have to make it,’” kuwento ni KC.
Na-shock naman ang mga hosts na sina Jessy and JCas nang malamang wala palang tinatanggap na allowance si KC mula sa mga magulang.
“Siyempre, mayroong padala nang konti ‘yan,” sabi ni JCas.
“Wala, wala talaga. But it’s because training ng mommy ko ‘yun. And you know, malaki rin naman ang tulong ni Mom na nakapasok ako dito sa industry natin.
“So, siguro, that’s her support na rin. Kasi because of her, 'di ba, sa totoo lang, mabilis akong nakapasok sa Philippine entertainment,” she said.
Kaya naman somehow ay proud si KC na nakakaya niya to live on her own and succeed on her own na walang any financial help mula sa parents.





Comments