HIRIT NI SHARON: FRANKIE, PARANG NAGPE-PAINT SA CANVAS KUNG MAKAPAG-MAKEUP
ni Nitz Miralles - @Bida | December 18, 2022

Happy mom si Sharon Cuneta dahil kumpleto ang kanyang pamilya at mga anak sa 22nd birthday ni Frankie Pangilinan.
Caption niya sa isang post, “Happy 22nd Birthday to my Baba Kakie!!! Happy to be a complete family tonight and also to be reunited (&-ing) with Kakie’s friends!!! I love you so very much, my Baba! So proud of you!!!”
Sa isa pang family picture nila, ang caption ni Sharon ay “Yaaay!!! Family pic!!! First in a looooong time!”
Sa photo naman nina KC, Frankie, Miel and Miguel, ang caption ni Sharon ay "Da keedz.”
Masaya rin si Kiko Pangilinan sa kanyang caption with their family photo na: “Happiest birthday kapag kumpleto ang pamilya."
Matutupad siguro ang wish niyang makasama nila si KC sa Noche Buena.
May mga nagtatanong siguro sa make-up ni Frankie, kaya binanggit na rin ni Sharon, “My birthday girl who uses make-up like she’s painting on a canvas! Butterflies, flowers... My kids are creative.”
As expected, may nagtanong pa rin at ang tanong ay kung ano raw ba ang nangyari kay Frankie.
May sumagot sa nagtanong na ganu’n ang make-up ng ramp models at baka nga raw gayahin si Frankie.





Comments