Hirit ni Romualdez na mailipat sa ospital, tablado

by Jeff Tumbado @News | September 17, 2026

Photo: Si dating House Speaker Martin Romualdez habang dumadalo sa kanyang arraignment o pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan Third Division via teleconferencing habang siya ay nakakulong sa New QC Jail Male Dormitory sa Payatas. (via Ombudsman)
Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang mosyon ni dating House Speaker Martin Romualdez na mailipat siya sa isang tertiary government hospital habang nagpapatuloy ang paglilitis sa kanyang kinakaharap na kaso.
Ayon kay Associate Justice Karl Miranda, chairperson ng Third Division, walang sapat na batayan upang pagbigyan ang kahilingan ni Romualdez dahil may iba pang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na may mas malubhang kondisyon sa kalusugan sa mga pasilidad ng piitan.
Hiniling umano ni Romualdez na mailipat sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.
Dahil dito, mananatili si Romualdez sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas habang nagpapatuloy ang mga pagdinig sa kanyang kaso.
Nauna nang idineklarang clinically stable si Romualdez bago siya ilipat sa QC Jail mula sa Philippine General Hospital (PGH).
Kasabay nito, nagpasok ng “not guilty” plea si Romualdez sa kaso nitong plunder kaugnay sa umano’y P7.44 bilyong kickback mula sa mga proyekto ng flood control.





Comments