Hirit ni Pacman, ibigay naman sa iba ang pagka-pangulo
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 09, 2021
KAPAG KUMANDATONG PANGULO SI “BONGBONG” MARCOS, DAPAT NA UMATRAS SI MAYOR SARA—Ipinahiwatig ni Sen. Imee Marcos na posibleng kumandidato sa pagka-pangulo ang utol niyang si ex-Sen. “Bongbong” Marcos.
Kapag itinuloy ni Marcos ang pagsabak sa presidential election, dapat umatras o huwag nang lumaban sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte dahil tiyak na talo ang aabutin niya kasi sa totoo lang ay mas marami ang Marcos loyalists kaysa sa DDS.
Dapat tandaan ni Mayor Sara na hindi mananalo ang tatay niya sa pagka-pangulo noong 2016 election kung hindi dahil sa milyun-milyong boto ng mga Marcos loyalists, period!
◘◘◘
PARANG SINABIHAN NI PACMAN ANG MGA DDS NA TANTANAN NA ANG “RUN SARA RUN”—Nanawagan si Sen. Manny Pacquiao sa mga DDS na bigyan ng pagkakataon ang iba na magkapaglingkod sa bayan bilang pangulo.
Kumbaga, parang sinabihan na rin niya ang mga DDS na tantanan na ang “Run Sara Run” kasi tatakbo siya sa pagka-pangulo, boom!
◘◘◘
DAPAT PAG-ISIPAN NI CONG. LUCY TORRES-GOMEZ ANG KANYANG SASABIHIN SA PUBLIKO PARA HINDI SIYA NAGMUMUKHANG KATAWA-TAWA—Sablay ang statement ni Leyte 4th Dist. Rep. Lucy Torres-Gomez na bully ang China, pero mabuti naman daw itong kaibigan.
Dahil sa statement na ‘yan ni Cong. Lucy ay pinagtatawanan siya ng netizens sa social media kasi paano naging mabuting kaibigan ang “bully”.
Next time, bago magbigay ng statement, dapat pinag-iisipan muna ni Cong. Lucy kung tama o mali ang kanyang sasabihin para hindi siya nagmumukhang katawa-tawa sa publiko, period!
◘◘◘
SEC. BELLO, HINADLANGAN ANG PANGARAP NG MGA NURSE NA MAGTRABAHO SA IBANG BANSA—Ipinagbawal na ni Sec. Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga nurse na magtrabaho sa ibang bansa dahil kailangan ang serbisyo nila sa Pilipinas ngayong panahon ng pandemya.
Pambihira, mantakin n’yo, pinipigilang magtrabaho sa ibang bansa ang mga nurse, pero ayaw naman silang bigyan ng pamahalaan ng sapat na suweldo, hazard pay at maayos na trato sa mga pampublikong ospital.
Napaka-KJ ni Bello kasi ang pangarap ng mga nurse na makapagtrabaho sa ibang bansa para mabigyan nang maayos na pamumuhay ang kanilang mga pamilya ay hinadlangan pa, tsk-tsk-tsk!





Comments