top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

HIRIT NI DIREK BRILLANTE: MGA ARTISTANG SENADOR, CONG. ATBP., PARE-PAREHONG WALANG NAGAWA

  • BULGAR
  • May 30, 2022
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 30, 2022



Ibinahagi ni Direk Brillante ang kanyang saloobin sa bagong presidente ng Pilipinas na si Pres. Bongbong Marcos nu’ng makausap namin siya sa private screening ng latest movie production niya na Pusoy streaming on Vivamax now.


Napansin daw ni Direk Brillante nitong nagdaang halalan na masyadong na-involve ang mga artista.


“Parang our life is so depended on politics and the politicians. Kasi ako, I’m coming from the Martial Law era. Parang ‘yung Martial Law era where I’ve seen and experienced the worst, tapos, ‘di ba, nag-EDSA, ano na ako, etc. Kumbaga, napagdaanan ko na lahat ‘yan.


“Somehow these politicians and the kind of government that we have, in whatever way, parang I can honestly say, hindi naman talaga niya nabago ang buhay ko.


“Ang nagbago ng buhay ko ay ako. And in terms of support, from the time na naging director ako until now, when I’m being invited in Malacañang and all these political gatherings, I don’t get any ano, parang support or anything,” paglalahad ni Direk Brillante.


Feeling niya, guest lang siya kapag ipinapatawag sa Malacañang at babatiin lang sa napanalunan niyang award sa international filmfest.


Ang hindi alam ng mga pulitikong bumabati sa kanya ay kung ano ang nangyayari sa kanya kapag sumasali sa isang international film competition.


“I mean, mas devastating kapag makita n'yo. Alam n’yo ang nangyayari sa akin sa abroad? Ako, marami. Pero, ayaw ko nang i-share kasi parang bine-blame ko ang government.


“Kaya sinasabi ko, kung ganyan kayo karubdob sa gobyerno, sa mga politicians and all, sana, kahit papa'no, maibabalik din naman nila sa industry na nagsuporta sa kanila at halos magpatayan, nagkahiwalay, nagkaaway and all, na-divide.


“Sana man lang, maramdaman, regardless kung sino ang nakaupo, maibalik naman kahit papa'no. Ang aking ano, sino ‘yung nakaupo, sino ‘yung nandiyan sa pulitika?”


Ilan na raw ang mga artistang umupo sa gobyerno, sa Kongreso at sa Senado.


“May naging presidente. Muntik nang maging presidente si Fernando Poe, Jr..

“Ilan sa Senado ang nakaupo na artista? Mga congressmen, mga artista ‘yan and all, ano na ang nagawa nila sa industry? Ano na ang naibalik nila sa nagdala sa kanila roon?


“Ano ‘yung nagawa nila, except for the Mowelfund thing na parang mga stuntmen ang sinusuportahan? Sila-sila lang naman ‘yan. Meron bang nagawa sa industry as a whole?

“Tapos magko-complain sila na parang 'Why don’t we have film sa Oscars?' ganyan-ganyan-ganyan.


“Do you even know? Does the government even know kung papa'no makapasok doon?


“Tapos pipili ang Film Academy of the Philippines na parang sila ‘yung, ‘Kami ang nakakaalam, pinili ka lang.' Tapos, bahala ka na. Pumunta ka roon. Hindi ba nila alam kung gaano kamahal?


“I mean, there’s so many complicated things na hindi natin alam, ‘di ba? Na as an industry, sometimes we get to engross with politics, where in fact, na ang feeling ko, dapat, tayo as an industry, parang we should be working together to uplift.


“I mean, there’s so many things that we can do, ‘di ba?”


Ibinigay na illustration ni Direk Brillante ang mga kaibigang movie press simula pa noong dekada '80 at '90.


“Tapos, bigla kong naisip, oh, my God, hindi naman sa pag-aano, nandidito pa rin tayo (sa industry) at ano’ng nagawa (sa showbiz press)?


“Imagine that. And I’m just talking about this sector of the industry, I’m not even talking about the whole industry.


“Maliit na sector pa lang ng industry ang mga showbiz writers at nandito pa rin tayo. Eh, ang mga ano natin, mga superstars natin, nand’yan na sa Kongreso pati sa Senate.

“Ngayon, nandiyan na si Robin (Padilla). I hope that ano, may magawa siya, ‘yung mga ganoon. Kaya ayoko nang isipin.


“Dito nga, may nagsasabi sa akin, ‘Bakit ka gumagawa ng Vivamax?’ ‘Bakit ka gumagawa sa Viva?’


“Ang sagot ko, ‘Bakit hindi?’ Hindi naman basura ang ginagawa ko. Parang ako ‘yung unang-unang magsasabi na parang magi-guilty na parang pera lang ang ano ko, pagod. Kaya nga I can proudly say na parang these are the films that we are making with the (small) budget that we have. I can create films like Pusoy, 'di ba?” pahayag pa ni Direk Brillante.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page