top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

HIRIT NI CRISTY: WALANG ARTISTANG NAMUDMOD NG AYUDA MALIBAN KAY GRETCHEN

BULGAR
Mar 16, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 16, 2022



Sentro ng bulung-bulungan sa apat na sulok ng showbiz si Gretchen Barretto dahil halos lahat naman ng taga-entertainment, kasama na ang ilang artista, trabahador sa likod ng camera, taga-media at hospital workers/frontliners ay nakatanggap ng ayuda mula sa kanya.


Bukod dito ay may pa-ambulansiya pa siya sa ilang public hospitals na nangangailangan nito.


Ito ang isa sa mga topics ni Nanay Cristy Fermin kahapon sa kanyang Showbiz Now Na YouTube channel kasama sina Romel Chika at Morly Alinio, dahil naging isyu nga ang online sabong na ang may-ari ay ang kaibigan ni Gretchen na si Atong Ang.


“Pinuputakti ng bashing ngayon (si Gretchen). ‘Yun daw ipinambili ng mga ayuda niya, galing sa sabong! Ano'ng point mo?” tanong ni ‘Nay Cristy kay Romel Chika.


“Nakakaloka lang, ‘Nay, kasi maraming naiinggit sa laki ng kinikita ng E-sabong,” sagot ng co-host-cum stand-up comedian.


Hirit pa ng batikang manunulat at online host, “Eh, paano ‘yung mga nawawalang sabungero na hindi na makita?”


“Baka nagtatago lang,” natawang sagot ni Romel Chika.


“Ako naman, ang punto ko, questionable pa ba ang kayamanan ni Gretchen Barretto? Mabibilang natin sa daliri ang mga artista na nakahiga sa salapi at isa roon si Gretchen. Ang pinakamahalaga para sa akin, okay, nandiyan na ang isyu sa e-sabong, okay pagbintangan n’yo na galing doon na ipinambili niya ng ayuda. Lahat ba ng artista, lahat ba ng mayayaman, nakaisip kahit minsan ng ginawa ni Gretchen sa pagtulong?” pangangatwiran ni ‘Nay Cristy.


Magaling daw kasi si Greta, ayon kay Morly, sabay tanggal ng kanyang hikaw, “Ayon sa aking mala-palangganang hikaw ay ito ang dahilan kung bakit magaling si Gretchen (sabay tanggal sa papel na nakatupi).”


At binasa ito ni Nanay Cristy, “Sa paghawak ng manok!” at nagkatawanan ang tatlo.


“Saka, openly, ipinakita naman niya (Gretchen) iyon. Nakikita ko sa mga pictures,” saad ng host.


Tsika pa ni Morly, “Napakahusay niyang humawak ng manok, nakikita ko sa lugar namin, may e-sabong (monitor), malaki. Sa ayaw at sa gusto mo, mapapanood mo. Alam mo kung bakit? Ang daming guwapong tumataya.


“Pero Ate Cristy, ibabalik ko sa 'yo ang tanong, ‘yung mga ibinibigay na ayuda, mga ambulansiya, mga gibsung-gibsung, sa palagay mo, galing ito sa bulsa ni Gretchen at walang kinunan doon sa mga e-sabong?”


“Hindi natin alam ang kuwento tungkol doon sa pagbili ng mga ayuda. Ipagpalagay natin na ang kalahati ay galing kay Mr. Atong Ang. Sabihin na nating kay Gretchen ‘yung singkuwenta porsiyento.


“Ang maiiwan sa puso ko ru’n, walang personalidad na nakaalala ng ganito kasidhi sa iba’t ibang mundo na ginagalawan natin, si Gretchen lang,” paliwanag ni ‘Nay Cristy.


Nabanggit din na suportado rin ni Greta ang mga kapatid niya kasama ang inang si Inday Barretto, at mula raw noong nagkabati-bati sila ay tuluy-tuloy na.


“Dugo ay dugo, blood is thicker than water,” sabi pa ni ‘Nay Cristy.


Paliwanag naman ni Morly, kahit na ano pa ang sabihin ng lahat kay Greta, ang take niya ay, “The best, anuman ang nangyari, tumulong ka sa kapwa, may malinis kang hangarin, enough! Hindi lahat ng taong may pera, tumutulong sa mga mahihirap at hindi lahat ng mahihirap ay nakakapag-appreciate roon sa mga taong tumutulong,” opinyon nito.


At ang sabi ni ‘Nay Cristy, “In fairness, pinaligaya niya talaga sa isang panahon ng pandemya ang mga taong pinadalhan niya ng pag-aalala!”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page