Hirit ng Pharmally, may bilyones na utang pa ang 'Pinas sa kanila, tsk!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 5, 2021
GAHAMAN SA PERA NG BAYAN ANG MGA TAGA-PHARMALLY KASI IN-SCAM NA NILA ANG KABAN NG BAYAN, MAY UTANG PA RAW SA KANILA ANG PHIL. GOV'T.--Noong Oct. 5, 2021, sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Pharmally Corp.
Mohit Dargani na P10 bilyon ang nakuha nilang kontrata sa Duterte gov't., at P8.5-B pa lang daw ang naibabayad ng pamahalaan sa kanila, kaya't may utang pa na P1.5-B ang Philippine gov't. sa kanilang kumpanya.
Masyado namang gahaman sa pera ng bayan 'tong mga taga-Pharmally kasi in-scam na nga nila ang kaban ng bayan, tapos pinalalabas pa nilang may utang pa ang Philippine gov't. sa kanila, tsk!
◘◘◘
TILA MAY PLANO PA SI P-DUTERTE NA PABAYARAN SA KANYANG GOBYERNO ANG P1.5-B UTANG NG PHIL. GOV'T. SA PHARMALLY--Imbes na magalit, hindi kinakitaan ng galit si P-Duterte sa sinabi ni Dargani na may utang pang P1.5-B ang Philippine gov't. sa Pharmally Corp..
Hay naku, tila kahit sinindikato na ng Pharmally ang kaban ng bayan sa gitna ng pandemya, may plano pa si P-Duterte na bayaran ng kanyang administrasyon ang sinasabi ni Dargani na P1.5-B utang ng Philippine gov't. sa Pharmally, pwe!
◘◘◘
PARAMI NANG PARAMI ANG NAGHIHIRAP DAHIL NAWALAN NG WORK, PERO ANG MGA TAGA-PHARMALLY, SARAP NG BUHAY SA PANININDIKATO SA KABAN NG BAYAN--Isinapubliko ng PSA (Philippine Statistics Authority) na mula Hulyo 2021 hanggang Sept. 2021 ay 1.18-M Pinoy ang nawalan ng trabaho at dahil d'yan ay pumalo na sa higit 4.25-M Pinoy ang naging jobless sa panahon ng pandemya.
'Yan ang nakalulungkot na katotohanan, na sa panahon ng pandemya ay parami nang parami ang mga Pinoy na nakararanas ng paghihirap sa buhay dahil nawalan sila ng work, pero ang mga taga-Pharmally, sarap ng buhay sa pang-i-scam sa kaban ng bayan, buwisit!





Comments