top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

HIRIT NG NETIZENS: KYLIE AT MAX, BYUTI AT SEXY NA, IPINAGPALIT PA RIN NG MISTER

BULGAR
Jun 9, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 9, 2022



Oo nga't may sitsit nang hiwalay ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno, hindi naman nila ito tuwirang inamin sa publiko hanggang sa namatay na lang ang isyu sa celebrity couple.


Pero dahil sa pagiging taklesa ni Kylie Padilla, hindi sinasadyang nai-broadcast nito na tulad niya ay hiwalay na rin ang kaibigang si Max sa mister na si Pancho.


In fairness, wala namang intention ang ex-wife ni Aljur Abrenica na guluhin ang nananahimik nang buhay ng ex-celebrity couple.


Nataong naka-live broadcast lang ang virtual interview online ni Kylie dahil nagpo-promote siya ng kanyang bagong show sa GMA, ang Bolera.


Tinanong si Kylie kung sino ang first friend niya sa showbiz.


Sandaling nag-isip ang aktres, maya-maya ay sinagot niya ang tanong.


“First friend talaga in showbiz na friend ko pa rin hanggang ngayon — si Max Collins. We were together in The Good Daughter, du'n pa lang, naging friends na kami hanggang ngayon. Parehas kaming ikinasal, parehas naghiwalay, parehas kaming nanganak,” nangingiting sabi ng Kapuso actress.


Shocked ang host dahil na-realize niyang wala namang pag-amin sina Max at Pancho.


Komento ng mga netizens sa sinabi ni Kylie…


"Intrigerang Kylie. Damay-damay teh?"


May panghihinayang naman ang komento ng isang netizen at sinamahn pa niya ng advice.


"Sayang lang ginastos sa mga kasal. Sayang ang mga investments, panahon, memories at mga plano. Luging-lugi talaga kapag naghiwalay. Natural minsan dahil sa pag-aaway, mawawala ang love, pero manalangin para sa sarili at sa asawa. May demonyo na gustong sumira sa pamilya dahil 'pag nasira na ang mag-asawa, damay na mga bata. Miserable na at 'yun ang gusto ng demonyo, maging miserable tayo. Kung kaya pang i-workout, i-workout. Magpatawad. Mahirap magsimula muli."


"Ang daldal ni Kylie, 'di man lang pinag-isipan mabuti ang sasabihin."


"Ano bang nangyari sa dalawang 'to, ang gaganda at se-sexy pero ipinagpalit. 'Yung mga lalaki, medyo inferior pa pagdating sa physical attributes."


Hala, oo nga naman!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page